Ito'y nagpapatingkad sa kaniyang kariktan
Angkin niyang talino, siya'y hinahangaan
Mga pagpapalang kaniyang natatanggap
Tila siya ay dinuduyan sa alapaap.Ngunit ito'y nagdudulot din ng masidhing sakit
Dahil sa taglay nitong mahahabang mga tinik
Pagdurugong dumaloy hanggang sakong, mula ulo
Kaakibat ng pagwawangis galing sa ibang tao.Mga kapintasan sa kaniya'y hinagilap
Pagkat ganda at ugali niya'y magkasalungat
Mga batong ipinatong sa kaniyang ulo
Hinagpis — sa sarili niya'y ipinagkanulo.Sa pag-ikot ng libo-libong mga oras
Siya'y namumukadkad na parang rosas
Sa pamilya niya'y hindi siya tinalikuran
Kahit pa man sa kaniyang mga kamalian.Ang mga sugat na kaniyang natamo
Tila sumpang sanhi ng pagsilakbo
Gayunpaman, ito'y nilapatan ng gamot ni Kristo
At balang-araw, gantimpala ang ipapalit dito.Ang koronang nagpapakinang sa kaniya.
Ang koronang nagpapasadlak sa kaniya.
Ang koronang nagpapadurog sa kaniya.
Ang koronang ngayo'y gamit niya, upang ipamahagi ang mabuting balita.*****
"Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos niyang malampasan ang pagsubok, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya."
- Santiago 1:12 (MBB)Pinagkukunan ng lawrawan:
UnsplashItinatampok na awit:
Through it All by Hillsong WorshipSa panulat ni:
J. Z. ROMEO
YOU ARE READING
VOICE OF TRUTH
PoetryPOETRY COLLECTION ••• "My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...