TAGUBILIN PARA SA KABATAAN

31 11 2
                                    

Nasilayan ko ang lumbay sa iyong mga mataRamdam kong sa buhay mo, ika'y nanghihinaKaginhawaan ay nais mo nang makamitNgunit kay layo nitong katulad ng langit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nasilayan ko ang lumbay sa iyong mga mata
Ramdam kong sa buhay mo, ika'y nanghihina
Kaginhawaan ay nais mo nang makamit
Ngunit kay layo nitong katulad ng langit.

Mga balikat mo'y laglag dahil sa kahirapan
Pag-aaral ay tila gusto mo nang sukuan
Ikaw ay nalugmok sa biglang pagbaba ng iyong grado
Kahit nagsunog-kilay ka na sa mga takdang-aralin at proyekto.

Mukha mo'y 'di maipinta dahil sa paninibugho
Tungkol sa social media posts na natunghayan mo
Nakapaglalagalag sila't may magagarang kasuotan
Palaging suportado sila ng mga kapamilya't kaibigan.

Puso mo'y nadurog dahil sa kasintahang taksil
'Di mo inalam na siya rin pala'y anak na suwail
Idagdag pa ang bilang lang sa daliri mong mga kaibigan
Sapagkat ang nais ng iba'y maimpluwensiya't mayaman.

Kaibigan, sa buhay mo ay hindi ka nag-iisa
Mga payo ng mga magulang mo'y 'wag ipagsawalang-bahala
Bibliya mo'y buklatin nang malaman ang katotohanan
Huwag magpapabulag sa makamundong kaligayahan.

Mga unos man ay napakalupit
Sa Maykapal, higpitan mo ang iyong kapit
Iniwan ka man ng lahat, nararapat na malaman mo
Si Kristo'y mahal ka, ibinuwis sa krus ang buhay para sa 'yo.

Buhay mo'y mahalaga, kaya't huwag itong sayangin
Hayaan mong ang Panginoon, ikaw ay huhubugin
Harapin ang ngayon at bukas nang may pag-asa
Magpasalamat sa Poon sa mga biyayang natamasa.

**********

"Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa."
- Jeremias 29:11 (MBB)

Pinagkunan ng larawan:
nytimes.com

Itinatampok na awit:
Hope of All Hearts by Planetshakers

Sa panulat ni:
J. Z. ROMEO

VOICE OF TRUTHWhere stories live. Discover now