MENSAHENG PAYAK

49 12 57
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang mensaheKung saan ako'y iyong simpleng binatiSa isang website, na hindi pa tayo nagkakilalaTirahan pala nati'y ilang daang milya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagsimula ang lahat sa isang mensahe
Kung saan ako'y iyong simpleng binati
Sa isang website, na hindi pa tayo nagkakilala
Tirahan pala nati'y ilang daang milya.

Araw-gabi ang ating komunikasyon
At ito'y nagpalalim ng ating relasyon
Loob nati'y dahan-dahang nagkamabutihan
Hanggang sa tayo'y naging magkasintahan.

Mga gabi ko'y kulang pag wala ka
Mga luha ko'y naglandasan pag mensahe mo'y 'di nababasa
Tinig mong kahit sa hangin lang naririnig
Ito'y pumapawi ng lungkot sa aking dibdib.

Ang boses mong kay sarap pakinggan
Mga mata mong kay sarap titigan
Kung hindi man ikaw ang aking makakatuluyan
Nanaisin ko na lang na maging bulalakaw sa kalawakan.

Mga puso nati'y nag-unahang maglundagan
Nang una tayong magkita sa isang paliparan
Puso ko'y waring nagsasabi
Ayoko nang mawalay pa sa iyong tabi.

Subalit wika ng ibang mga tao
Hindi magtatagal ang relasyong nabuo
Pag-iibigang may malabong simula
Maglalaho rin daw 'to na parang bula.

Aaminin ko, 'di ikaw ang tipo ng lalaking hiniling ko
Dahil katangian mo'y wala sa mga nobelang nababasa ko
Inhinyerong pinangarap, binigay sa aki'y isang mason
Sa pamamagitan mo pala'y makilala kong lubos ang Panginoon.

Mga payak mong mensahe para sa akin sa cellphone
Sa akin, kakaiba ang dulot niyon na sensasyon
Sapagkat ramdam ko ang iyong angking katapatan
Sa pagpapaalam mo lagi hinggil sa iyong kinaroroonan.

Ngayon ay akin nang napatunayan
Walang kinalaman kung paano tayo nagkakakilanlan
Sambit man ng iba'y hindi tayo magtatagal
Tingnan mo, heto tayo, isang dekada ng maligayang ikinasal.

*************************************

Ang pagsasabi nang tapat ay pagsasama nang maluwat.

Itinatampok na awit: Iniibig Kita
Ni: Roel Cortez

Sa panulat ni: J. Z. ROMEO

VOICE OF TRUTHWhere stories live. Discover now