Itinakwil mo ang maabo't madilim na mga ulap
Nahahalina ka sa maalwan na mga alapaap
Alam mo ba, ang ulang dala nito'y singhalaga ng 'yong hininga?
Pagkat pinapayabong nito ang mga halama't damo sa lupa.Kinamumuhian mo ang mga nagsusuot ng maiikling palda
Mga dalagitang simpula ng Arabica ang labi'y halos 'yong isinumpa
Alam mo ba ang sanhi ng kanilang pagiging suwail?
Hangad lamang nila ay tunay na pagmamahal, kahit gabutil.Halos luhuran mo ang mga taong nasa simbahan
Sapagkat akala mo sila'y walang putik na kadungisan
Saan na ba ang iyong pagpapakatao?
Niyurakan ang 'di mo kapanalig o kabaro.Ngiti mo'y abot-tainga sa mga sikat o hitik sa sertipiko
Datapwat kilay mo'y umarko sa mga walang alam o bago
Alam mo bang ang uod na 'yong pinagtatabuyan?
Magiging marikit na mariposa iyan sa kalaunan.Huwag magpalinlang sa nakikita ng pares na mga mata
Gabay ay hingin sa Diyos sa wastong pakikipagkapwa
Suriin palagi ang nasa isipan at damdamin ng tao
Iwasan ang panghuhusga, nang ito'y 'di babalik sa 'yo.***
"Huwag ninyong husgahan ang iba, para hindi rin kayo husgahan ng Dios. Sapagkat kung paano ninyo hinusgahan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo huhusgahan ng Dios."
- Mateo 7:1-2 Pinagkunan ng larawan:
FreepikItinatampok na Awit:
Lupa by Rico J. PunoSa panulat ni:
J. Z. ROMEO
YOU ARE READING
VOICE OF TRUTH
PoetryPOETRY COLLECTION ••• "My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With the mighty deeds of the Lord God I will come; I will remind them of your righteousness, yours alone...