Kabanata 46

179 13 7
                                    

Hi all! Here is another update for you! Pa hit the star button naman diyan or vote for this chapter. Just want to feel all of you reading this update!  Thank you.

XOXO



Kabanata 46

Gossips



"Sorry I have to ask, are you Thedessa?"

Napatigil ako sa naging tanong niya...

"Sorry if I bother you, pero gusto ko lang tanungin kung kumusta na si Trina?"

Agad akong napasimangot sa sinabi niya. Kikiligin sana ako kung hindi ko lang alam kung ano ang ginawa niya sa kaibigan ko. But damn this man! How can you he ask me question like this ngayong fresh na fresh pa sa akin ang mga luhang iniyak ni Trina kagabi.

"How dare you ask me about Trina?"

Nagulat siya sa naging sagot ko. He moved back. That's right.

I need to control myself at baka sapak ko ang lalaking ito.

It's not even worth it.

"I just want to say sorry to her—" I cut him off and left.

Ayaw ko nang marinng pa kung ano pa man ang sasabihin niya.

Trince somehow bothered me the whole afternoon. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Trina ang nangyari o hindi na. Kung sasabihin ko, baka aasa na naman siya at masaktan ulit...

Goodness!

I need to get out of this thoughts or else, wala talaga akong masasagot sa quiz bukas. It's chemical compounds pa naman.

Ast was busy practicing basketball for their upcoming game. Medyo seryoso sila ngayon dahil ang unang makakalaban daw nila ay ang nakalaban nila sa finals last year. Nasa bleacher lang ako sa loob ng gymnasium waiting for him while I am reading and preparing for our upcoming quiz.

Sinadya kong umupo sa may sulok na gawi para wala ganoong ingay akong maririnig.

May mga estudyante ding katulad ko ang nag-aaral at ini-enjoy ang free space at mahangin na area. This gymnasium is after all surrounded by centennial trees who withstand all different floods at typhoons through the years.

Sa ibaba ko ay ang dalawang babae na may dalang calculus book. At ang kakapal pa ng mga libro nilang dala. Although medyo distansya naman ako sa kanila, ganun pa man, medyo rinig na rinig ko pa din kung ano man ang magiging laman ng kanilang pag-uusap.

Sinoot ko ang hooded jacket kung dala and I made sure na walang makakakilala sa akin dito.

"Go, Ast!"

Napatingin ako sa babaeng sigaw nang sigaw sa pangalan ni Ast.

Nasa courtside siya. At kanina pa siya. I just like how Ast responded to it. Deadma lang.

Good boy!

Agad naming uminit ang pisnge ko sa aking naramdaman. Napahawak ako sa aking mga pisnge. Goodness! This is not good.

"Hindi ba si Marthane yan?" hindi ko sinadyang marinig sa babaeng nakaupo sa ibaba ko. Iyong may mga calculus na libro. Her hair is blonde and she is wearing their departments uniform. Engineering students pala ang mga ito. I bet they are older than me.

Marthane? Hmmm.

"It's really her!" sagot ng katabi niya.

Hindi ko kilala personally si Marthane but I keep on hearing her name plus she likes Ast so much.

Pinigilan ko nalang ang sarili ko na mag react sa kanilang pinag-usapan. Marthane looks cute and she has these dimples everyone would die for. And not to mention that she really looked friendly also.

"Ang alam ko kailangan ng team si Marthane. Dahil papa na niya ang director ng Varsity. And I heard the boys wanted Ast to court Marthane para mapaamo nila."

Naningkit agad ang mga mata ko sa aking narinig. Ano?

"Pero may girlfriend naman si Ast hindi ba? Hindi ba nila bet? Ang pangit naman nilang ka-friend."

"True. Napressure siguro si Ast. Hindi ko na nga sila nakikita nung gf niya magkasama."

"May scandal naman kasi diba?"

Pigilan mo ang sarili mo, Des. Wala silang alam sa totoong nangyari.

"Anong scandal? Iyong tungkol sa lagi siyang nakikita sa room ni Ast? Hindi ba normal lang naman yan sa mga masyota. Like hello?"

"Anong normal? Hindi kaya. She is a freshman and Ast is in his senior year! Ano yun, corrupting-minor? At isa pa, ang pangit tingnan na siya pa ang babae, siya pa ang pumupunta sa lugar ng lalaki. Kailangan din ni Ast na mag focus sa basketball or else, mawawalan siya ng sponsors."

"Alam mo, ang oa niyo. You sounded like everyone in room! Alam niyo iyong mali? When you impose your culture to others. Iba-iba ang tao, girl. Just because ito ang tama para sayo dahil ito ang turo ng pamilya mo ay hindi ibig sabihin na tama at ganoon din sa ibang pamilya. Each family have their own version of what is right and what is acceptable. Kaya huwag kayong mag judge kaagad dahil lamang diyan. Eh hindi niyo pa nga alam ang buong estorya, di ba? Diyan pa lang, mali na kayo."

"Wow. Sensitive mo ah. I am just telling you kung ano ang naririnig ko sa mga tao, okay!"

"At dahil diyan, naniwala ka kaagad? That's why you are taking their sides? Ano kaya ang naramdaman mo ngayon kung ikaw ang nasa sitwasyon nina Ast at ng girlfriend niya? Minsan kasi, chill lang kayo. Just because a certain idea is popular, does not always mean it is the truth."

"Wait, girl, ha. Why are you protecting Ast's girlfriend? Ikaw ang dapat mag chill. Alam mo ba na marami ang ayaw nung girlfriend niya dahil sinisira daw niya ang focus ni Ast sa laro? Pansin mo, nag iba ang shooting ni Ast. Kung noon 70% to 90% ang field goal ng team nila, ngayon mas mababa na. At dahil iyan sa mga missed shots ni Ast! Wala namang ibang sisisihin ang mga tao kung hindi ang girlfriend lang niya diba, sige nga? Baka nga distracted siya masyado at walang ginagawa iyong gf niya to uplift him. Alam mo naman how protective everyone is when it comes to people who are representing our school"

"I am not protecting Ast's girlfriend. I just wanna tell you to be open minded, okay? Ang dahil diyan sa performance ni Ast, sisisihin niyo na kaagad ang girlfriend niya? Nag-iisip ba kayo?"

"Whatever! Alam mo, mas bagay talaga si Marthane at si Ast, don't you think? Imagine how powerful both of them will be. Marthane, the richest kid and most influencial kid in town and Ast, the best basketball player of all time. Wow. Parang movie lang. Tapos super supportive pa si Marthane sa kanya. Sigaw nang sigaw. Hindi nahihiya. Eh yung girlfriend niya? Ano lang ang ginawa? Siguro, umiiyak yun ngayon kasi busy si Ast at hindi siya mabigyan ng atensyon na kailangan niya!"

"Whatever din. Sana hindi ka makatagpo ng taong katulad mo."

I left the area after I heard that at baka mas masaktan pa ako.

It pains me to hear how everyone is blaming me for one thing I haven't done.

At wala namang sinabi si Ast sa akin regarding this.

With a heavy heart at mga luhang pilit kong pinipigilan, agad agad akong umuwi ng PGS at pumasok sa kwarto.

Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon