Kabanata 18

2.7K 103 12
                                    

Kabanata 18

Sorry


The awards were overwhelming and so as the cheer and screams of the crowd. Niyakap ako ng mga girls varsity at may cheer pa silang chi-na-chant.

"Thank you girls." Tinulungan din nila ako sa mga trophy na aking natanggap at mga bulaklak. Nakita kong isa-isa nila itong dinala papunta sa aming quarter.

Hinanap ng aking mga mata si Ast. Medyo kumunot ang noo ko ng hindi ko siya mahagilap.

Nasaan siya? Siya dapat ang nasa tabi ko ngayon.

Medyo nakalimutan ko ang ikli ng aking soot ngayon dahil sa kasiyahan ng aking mga schoolmates.

"You made us proud, Des." Sabi ni Coach sa akin sabay yakap. Kumalas din siya kaagad at si Dukan naman ang yumakap sa akin.

I smiled to all of them. "Salamat sa inyo guys. Thank you for cheering for me."

A long buzzer made noise in the center court signaling the players that they only have 10 minutes to prepare. The organizer, the team and the head called me for a short briefing. According to them, since I am now the official muse of northern Mindanao, may mabigat akong responsibilidad. I will be the inspiration of the youth. My image as well as my experience will be important.

Hindi ko muna iyon dinamdam dahil iba ang iniisip ko.

Where is Ast?

Nang matapos nila akong kausapin, nag excuse din ako para makabalik sa quarter namin since I cannot find Ast in the sea of crowd.

Dala ang aking korona at mga titled sash, pumasok ako sa quarter ng mga lalaki. Nakita ko si Ast na mukhang kagagaling lang sa pagligo. Nilingon niya ako nang mapansin niyang may presensya ng tao sa kanyang likoran. His eyes were boring. He's topless. I must not look his nakedness.

Pero bakit niya ako iniwanan? Anong nangyari sa kanya? He promised he wont leave my side. Tapos dito ko lang pala siya makikita?

We were silent for like 10 seconds nang magkatitigan kami hanggang sa siya ang unang umiwas.

"I had to leave. Maraming tao kasi e."

Really?

You promised Ast. Pero sino ba naman ako para isumbat iyon sa kanya di ba? Tumango na lang ako. "I see." Komento ko sa rason niya.

I stepped back and turned. Then aalis muna ako sa kanyang harapan. Baka ayaw niya ng gulo sa araw na ito.

I don't get him. And I don't like it.

Siya na nga lang ang kilala ko dito...

No. I should be celebrating. Hindi ko muna siya papansinin.

I have made my school proud and that is enough.

Pumasok ako sa quarter namin at inayos ang aking sarili.

Wala ang mga girls. Naghahanda na siguro doon sa gym, sila pa naman ang unang lalaro ngayong umaga.

I removed my lipstick, the sashes, the crown. Nakita kong inayos na pala ng mga girls ang mga awards ko kanina. Pumasok akong CR at nagbihis. Dahil wala talaga akong dala na damit, sinuot ko ulit iyong soot ko kanina pagpunta namin dito.

Paglabas ko sa CR ay mukha agad ni Ast ang aking nakita.

Bahagya pa akong napaatras dahil sa gulat. Napatingin ako sa paligid, kami lang dalawa.

Napalunok ako. "Anong kailangan mo?" dinaanan ko siya at pumunta sa aking area. Umupo ako at inayos ang aking bag. Kinuha ko ang mga prizes at pinasok iyon lahat sa aking bag. Most of them are cologne, mga dalawang dosenang shampoo, may pera pang prize galing sa kilalang kompanya. 5000 iyon sa loob ng sobre. Wow.

Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon