Kabanata 7

3K 68 10
                                    

Kabanata 7

Feeling's cleared



Gabi na nang maisipan kong maglakad-lakad muna sa labas ng dorm. Tapos na ako sa aking mga assignments kaya malaya ko itong nagagawa ngayon.

Napatingin ako sa kalangitan. Sobrang dami ng mga bituin at feeling ko masarap magcamping kapag ganito ang gabi. Doon sa amin sa Malaybalay ay palaging ganito kapag gabi, mas maganda nga lang doon dahil parang kaya mo lang abutin ang mga butuin. Dito ay parang kay layo.

Napadpad ako sa ilalim ng puno malapit sa LRC Building. Muli kong naalala ang mga naririnig kong ghost stories sa aking mga classmate.

"Aren't you afraid?" napahawak agad ako sa aking dibdib sa taong biglang sumingit sa aking tabi. Nanlaki ang mata ko nang makilala ito. It's Drame! Oh my gosh! At naka pajamas lang ako.

I composed myself.

"Hindi naman. Ikaw?"

"Hindi din." aniya na nakatingin na ngayon sa butuin.

"Why are you here?" tanong ko. Bigla kong naalala iyong masungit na lalaki kanina sa may faculty. Hindi ko alam pero bigla ko na lang iyong naalala.

"It's suffocating inside. I need fresh air." Napatango ako sa kanyang sinabi.

"I see."

Natahimik kaming dalawa. Shit. This is so awkward. Mamamatay ata ako.

"Have you ever been in love?" napalingon ako sa kanyang naging tanong.

"What?" tanong ko. Trying to make him say it again. Saan niya nakuha ang tanong iyon?

"I said, na inlove ka na ba?" napalunok ako kahit ang lakas na nang kalabog ng puso ko.

"Attracted oo. Inlove as in really love, hindi pa ata.." sagot ko. I doubt. Para nga akong in love sa iyo eh. "Ikaw?"

"Hindi pa din kaya nahihirapan ako ngayon." Oh my gosh! In love si DRAME? Kanino? Sa akin? Imposible!! "I don't know where should I stand. It's just so hard."

Everything, that is happening tonight, seemed like a dream. Hindi ako makapaniwalang nagbabahagi sa akin ngayon si Drame. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at kinakausap niya ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito.

"Sorry ha. Alam kong na-weweirduhan ka sa akin. You are my sister's friend, kaya malapit ang loob ko sa iyo. Isa pa, you are like a sister to me too." aniya at ngumiti. Nakatingali pa din sa kalangitan.

Ang sakit. May barrier na ang mga salita niya. 

"Hindi... okay lang. " kahit talagang naweweirduhan ako sa kanya.

Bumuntong hininga siya at pumikit saglit.

"And you know what's bad thing about this, ang hirap niyang lapitan."

Dito ko napantantong inlove si Drame... sa ibang babae.

Saglit akong natahimik. Gusto ko masaktan pero hindi ako nakaramdam nang ganoon sa aking puso ngayon and it is so weird too. Dahil feeling ko in love ako sa kanya. At dahil feeling ko ang ganoon, dapat nasasaktan ako ngayon.

Pero hindi.

"Do you mind telling me who this girl is?" matapang kong sagot. Siguro, feeling ko lang na in love ako sa kanya.

"Well, I can't tell you who but I can describe her. She is smart and silent. Hindi siya ganoon ka pansinin pero nakuha niya ang atensyon ko." aniya. Ramdam kong inlove na in love siya dito.

Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon