Kabanata 2

4.9K 101 9
                                    

Kabanata 2

The Pink House


Palibot-libot ako sa aking kwarto. Hindi ko alam pero hindi ko maiwala sa aking isipan ang sinabi nung babae. Para itong sirang plaka na paulit-pailit sa aking utak.

Her offer, well, I have to admit that it was very tempting.

Gusto kong sumulong pero hindi ako sure kung safe ba. I mean, words are not enough. I want to see it.

Tumunog ang skype ko at nagmamadali akong lumapit sa harapan ng aking laptop. Nakita kong si Mommy ang tumatawag.

"Hi mom!" bati ko nang sagutin ko siya. Nasa coffee shop sila ni Daddy. "Hi dad!"

Mag-isa lang ako sa pilipinas dahil na din sa kagustuhan kong manatili dito. Mom and dad went abroad para sa iniwang trabaho ni Lola sa kanila. Nagmaakawa silang isasama ako pero nagmakaawa din akong mananatili na lang ako sa pilipinas.

Pumayag sila Mama pero may kondisyon ang aking lola. Ayaw niyang manatili ako sa probinsya. Ayaw niyang magpaiwan ako sa bundok. Kaya naisipan kong dito na lang sa Cagayan de Oro.

"How's your first day in school, my dear?"

"It was different, mom. Bigger population and bigger buildings. Ang ganda din ng mga designs doon mom. Center of excellence for engineering pati sa I.T." masiglang sabi ko sa kanya. Muli kong naalala ang napuntahan kong science centrum kanina na siyang punong-puno sa science exhibit. Nakakaamazed iyon.

"I'm happy to see that you love your new school, dear. How about the people there?" pumasok ulit sa aking isipan ang offer ng babae. Kailangan kong sabihin kina Mommy iyon.

"Well, there was this boarding house inside the school." Panimula ko.

"And? Can you tell me about that?"

"It was a privilege house for girls. There was this girl who offered me to live there."

"Let me guess, sorority?" tumaas ang kilay ni Mommy sa kanyang sinabi. Napalunok ako sa kanyang ekspresyon.

"Hmm... hindi po." I know. I'm so sorry mom. I have to lie to you. Baka hindi mo ako payagan.

"I see. Kung gusto mo, kunin mo anak. Isa pa, that would be an advantage to you. Bukod sa hindi ka mahihirapan dahil nasa loob lang ito ng unibersidad, safe ka din at ang mga kagamitan mo."

Iyon ang naging usapan namin ni Mommy buong gabi. Dad was worried. Iyon nga lang hindi na siya nag-insist na kunin ulit ako dito sa Cagayan de Oro.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil napagdisesyonan ko na ang sinabi nung babae. Inimpake ko din ang ilan sa aking mga kagamitan.

Dahil nasa harapan lang ng unibersidad ang hotel kung saan ako nanatili, ay ilang minuto lang ang nilakad ko.

Kinuha ko ang aking school map at hinanap ang drawing building kung saan ito ang magiging unang klase ko. Malapit lang ito sa gymnasium.

"Good morning Ma'am." Bati ko sa professor namin. Tiningnan lang niya at walang sinabi kaya nahilaw ang malaki kong ngiti.

"Psst." Nilingon ko ang tumawag sa akin.

"Hi." Ani ng babaeng chinita sa akin. May dimple sa kanyang pisnge at maputi ang balat. She's pretty.

"Hi din." Bati ko at ngitian siya.

"I'm Trina Lucero." Pagpapakilala niya sa akin.

"Thedessa Amber. Nice meeting you Trina." Sabi ko at nakipagkamay.

"Taga saan ka? You look like a foreign to this place." aniya na ikinagtaka ko naman. "Aren't we all, first year, foreign to this place?" tanong ko.

Tumawa siya ng mahina. "I mean, ikaw. You look half something. Iba ang ganda mo sa amin, morena ka pero iba ang kulay ng iyong mata. Tapos ang tangkad mo pa at ang tangos ng ilong mo ha!!! Not to mention you look like, kilala mo si Taylor Hill? Ganoon! Pero ikaw ang morena version niya! Not the typical commoner." Napangiti ako. Kakakilala lang namin pero ang daldal na niya. May kung anong humaplos sa aking puso at naging komportable ako bigla.

"Well, dad's a half American."

"Half lang ang Daddy mo? But you don't look like a ¼ American citizen!"

Sabay kaming napayuko ni Trina nang bigla kaming bigyan ng pamatay-tingin ng aming propesor.

"Scary siya ha! Anyways, sabay tayong lunch mamaya? Pero bago iyan, libutin muna natin ang campus?" bulong niya.

Dahil kay Trina, nawala ang kahihiyan sa aking sestema. Nang matapos ang unang klase namin ay sabay naming nilibot ang unibersidad. Kaya ang nangyari, nalate kami sa susunod naming subject. Mabuti na lang at hindi maarte ang aming pangalawang professor.

"Hi Trina!" nagulat akong makita si Gean sa harapan namin. "Oh and Thedessa right?" aniya. Napatango ako. Iyong offer niya sa akin!

"Gean." Tugon ko.

"Have you considered my offer?"

Napatingin sa akin si Trina. "She's the girl you told us last night?"

"Yep. She's the girl." Nanlaki ang mata ko sa pagkamangha. Si Trina?

"Wow. Kung ganoon, pumayag ka na Des. I swear masaya sa bahay. Lahat tayo ay babae at safe ka pa. Come on! You don't have to think about this anymore. Tukain mo na habang sa iyo pa."

I can't believe. Nandoon din si Trina nakatira? Just wow. So okay lang ito?

"Ikaw na ang bahalang magpapayag niyan, Trin okay? May klase pa ako. See you around Des."

Agad kong nilingon si Trina.

"How was it?" tanong ko na agad naman niyang nakuha.

"Promise, mag-eenjoy ka."

"May hazing ba?" nag-aalang tanong ko.

"Kung iyan ang kinatatakutan mo ay wala. Servicing lang and mind games." The way she said it, para lang sisiw ang pagsali. Nakakaduda.

Kinuha ni Trina ang kamay ko at kinaladkad ako papuntang dorm area. Agad kong nakita ang tatlong naglalakihang bahay na magkatabi. Kulay pink, white at gold ang mga ito. May kanya-kanyang seal sa ibabaw ng bahay ay nagkakalat ang nag-gagandahang mga bulaklak sa mga hallway.

"The pink house is ours. Iyang white naman sa ating tabi ay ang Student Government. Sa tabi naman nila ay ang fratmen na siyang kulay gold." Aniya sa akin. Manghang-mangha na ako sa aking nakikita. Para akong nasa loob ng pelikula.

"Hali ka! Pasok tayo."

May code na pinindot si Trina sa tabi ng pinto. Bumukas ito at nanlaki ang mata ko.

Umuulan ng pink ang loob ng bahay. Mula sa light shade of pink hanggang sa fuchsia.

"Wow." hindi ko mapigilang sabihin.

"I know. Nasa third floor ang room ko. Kasama ko ang aking pinsan." Napatingala ako. So this explains the big pink house.

"Ilan tayo lahat dito?"

"Ika-35 ka, des."

"Sinong founder?"

"Gean." So that's why.

"Isa pa, this place has a surveillance camera everywhere. Ang security group ng ating  unibersidad ang bahala." napatango ako.  "At hindi ka mamomroblema sa babayarin sa bahay at tuition. Once you are part of us, libre lahat."


Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon