Kabanata 9

2.9K 66 7
                                    


Kabanata 9

Underground


Kunot-noo akong naglalakad patungo sa aming classroom. Hindi ko makuha kung bakit lahat ng mga babaeng nadadaanan ko ay nakatingin sa akin ng masama.

May nagawa ba ako o ano?

"HOY!" napalingon ako sa tawag ni Trina sa akin. Dahil lakas ng boses niya, napalingon din sa akin ang aming mga kaklase.

"Talk of the town ka girl!" mas lalong kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Ano?

"Nagpost daw si Princess kagabi sa kanyang FB. Eto o." pinakita niya sa akin ang isang facebook post na mas lalong nagpakunot ng aking noo.


Princess Black

To Whom It May Concern,

Girl. You are still a kid. Do not believe in chocolates and sorry. Isa pa, sa landi mong iyan, marami ka pang mabibiktima. Kay bago-bago mo dito sa unibersidad para ka ng kung sino kung makatingin sa akin. Always remember that I am still your senior. You are just nothing but a beginner.


"And you are trying to say na ako ang pinapatamaan ni Princess sa post na iyan?" taas-kilay kong tanong. Hindi ko napigilang ikuyom ang aking palad.

"Yes. She commented your name there. Idenelete nga lang niya. Nakausap ka na ba ni Gean dito?"

Umiling ako. "Pagkagising ko, wala ng tao sa bahay."

"Alam kong sa mga oras na ito, alam na niya ang tungkol dito. Oh my Goodness! Ihanda mo ang iyong sarili. Ipapatawag ka niyan mamaya."

Dahil sa mga banta ni Trina, nabagabag na naman ang aking isipan. Lagi kong inaabangan ang aking cellphone dahil kay Gean.

Napaisip din ako. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko kay Princess.

Pero bumalik sa aking isipan ang sinabi ni Emaya kahapon. Napaawang ang bibig ko.

Galit siya sa akin kasi napansin ako ng kanyang crush? Then this is bullshit!

Sa kanya na ang lalaking iyon. Akala ko naman kung ano na. Tapos may post-post pa siyang nalalaman?

Like what the hell?

Kahit binabagabag ang aking isipan sa lahat ng pangyayaring ito, nakasagot pa din ako quiz namin at na perfect ko pa ito. I am just thanking myself dahil kahit nangyari ang mga ito, nasa isipan ko pa din ang katinuan.

True enough, pinatawag ako sa Gean during lunch time sa opisina niya sa PGS. Sa loob ay kasama niya ang Supreme Custodian na si Emaya.

Agad akong nginitian ni Emaya nang makita niya ang busangot ng aking mukha.

"I already told you about Princess. Nagulat ka ba?" panimula ni Emaya.

Tumango ako. "Yeah."

"As expected. What she did is a public humiliation. It is clearly stated in the constitutional and by laws of our organization na labag ang kanyang ginawa sa social media at pagmention ng pangalan mo sa isa sa mga naging comments niya doon."

Napatango ako.

"And because what she did must not be tolerated, pina-report ko na siya ating Student Affairs and Welfare Office. Her post must be deleted within 24 hours." Emaya continued with conviction.

Umangal ako doon. "Okay lang ba iyon kay Princess? What about her freedom? I mean this is a democratic world. She can post things she wants to post."

Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon