Kabanata 16
Not gonna happen
"Begin and end things with honor and pride. Ladies do not let others touch or overpower their foundation."
Pagdating namin sa Venue ay sobrang gulo na ng lugar. Sobrang daming estudyante at sobrang daming gwapo. Kung nandito lang sana si Trina, nagdiwang na iyon.
Pinigilan ko ang sarili ko na huwag mapatitig sa mga lalaking akala mo ipinaglihi ng Hollywood actors. Too handsome to be true ikanga.
Damn.
Malaki ang kanilang covered court pero kahit ganoon, sa dami ng mga tao, parang kulang pa ata ang lugar. Nagkakalat ang ibat ibang klase ng tent sa vacant ground na may iba't ibang paninda.
Nag fill-up kami ng form at may konting briefing. Nang matapos ang panandaliang briefing, nilapitan kami agad ng babaeng kasing edad ko lang ata na may soot na i.d na ang nakalagay ay 'organizer'.
"Good morning everyone! Welcome to Caraga State University Butuan! Since you are done with the registration, may inassign pong classroom na magiging quarters niyo Team MUST. Get your things and I will lead you the way. Thank you."
In fairness, maganda siya ha. Sobrang cute ng kanyang dimples. Well...
Dalawa o tatlo ata sa mga kasamahan nitong Ast ang sumigaw at mapaglarong nag cheer doon sa organizer.
"We are not here for that boys." Ani Dukan. He is here! Hindi ko siya nakita kanina a. Napatahimik ang mga nagtawanang lalaki sa pagsita ni Dukan.
Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay nginitian niya ako. "Mananalo ka!" malokong sabi nito. Napairap ako sa kanya. Andiyan na naman po tayo.
Whatever.
Dala pa din ni Ast ang bag ko hanggang sa makarating kami sa magiging quarter namin. Malaki ang paaralan nila.
Magkaiba ang room ng mga lalaki at mga babae pero magkatabi lang naman.
Pagpasok namin sa quarter, nag-unahan agad ang mga boys sa pagpili ng pwesto nito sa sahig at agad na ipinuwesto ang mga dala nitong mga foam at kumot. Natawa pa ako nang makakita ng isang lalaki na naglabas ng isang spongebob pillow. Agad naman siyang binully ng kanyang mga kasamahan at pinagsasapak.
Napatingin ako kay Ast. May isa pa pala akong problema. Wala akong foam, wala akong kumot, wala akong unan at wala akong damit pantulog at damit para bukas.
Kinilabit ko ang braso ni Ast. Napatingin siya sa akin.
"What?"
Nahihiya na ako. Napayuko na lang ako.
Damn. Favor na naman. Baka mainis na ito sa akin.
"Where do you like to sleep? Babae ka. You should stay sa kabilang room."
"Alam ko. Pero wala akong..."
"I'll let you borrow my stuff. Hali ka. Samahan na kita sa kabila."
Nagpadala na lang ako kay Ast. Sinamahan niya ako sa quarter ng mga babae at katulad ng nangyari sa mga boys, magulo din ang mga babae.
"Saan mo gustong matulog?" tanong nito sa akin. May bakanteng area pa sa dulo. Malapit sa bintana.
"Paano ka? Saan ka matutulog?"
"Tatabi na lang ako kay Coach. Mukhang malaki ang dalang higaan nun. Sige na. Doon ka!" naging sentro kami ng tingin ng mga girls varsity team. May ilang pang madramang umubo.
BINABASA MO ANG
Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)
RomancePeople are so good at judging and looking for mistakes and we look for physical beauty and titles. Today, money means beauty, and if there is beauty, there will be friends. But will you live happily with that? Will you?