Kabanata 30
Dais
Nagwala agad ang mga bituka sa tiyan ko paglabas ko ng banyo. Ang bango na ng luto ni Ast. Napalunok ako.
Dito ako sa loob ng kwarto ni Ast. Nagbihis ako ng dala kong mga damit. A rose pink flowy skirt, sleeveless floral shirt is what I am wearing.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko agad ang topless na Ast na nakaharap sa kanyang niluluto. He is wearing his basketball short. Nakita ko ang maliit na tattoo sa kanyang batok.
He's got a tattoo?
Nang maramdaman niya ang presensya ko, dahan-dahan niya akong nilingon.
Napangiti ako sa kanya nang magkita ang mga namin.
Censored si Ast. Dapat siyang magdamit.
I admit maganda ang kanyang katawan pero hindi pa din okay sa akin ang ganito.
"Please wear some shirt Ast."
He smiled and nod. "Sure. Pwede bang ikaw na lang ang kumuha ng damit ko? Nasa cabinet ko iyon sa loob ng kwarto. Please?"
Tinalikoran ko siya at bumalik sa loob ng kanyang kwarto. Pumunta ako sa kanyang cabinet at binuksan iyon.
I am in awe.
His clothes are so organized. Lahat ng light colors ay nasa isang palapag. Lahat ng white ay nasa itaas. Lahat ng dark ay nasa gitna.
Why this guy is neat!
Kinuha ko ang puting round neck tshirt niya.
Pagbalik ko sa kusina ay nakahanda na ang carbonara sa maliit niyang mesa. Napangiti ako.
"Ang bilis!" komento ko sa kanya. I handed him his shirt. Sinoot niya ito sa aking harapan.
"I tried my best cooking your favorite. I hope you will like it." Aniya.
Well, the food looks delicious. May pa garnish-garnish pa siyang nalalaman.
He sat beside me. Nakatingin lang siya sa galaw ko. Kumuha ako ng pasta at nilagay iyon sa aking plato. I rolled the fork and tasted his product. Napangiti akong malasahan ang lasa na gustong-gusto ko. Iyong medyo maanghang, maalat na matamis. Iyong all in. Iyong ganito.
I gave him an approved sign. His smile grew bigger.
"I like it!" masayang sabi ko sa kanya. Ang galing lang ni Ast ha!
"Thank you. You should stay here more often para lagi mong malasahan ang mga masasarap kong luto."
Kinunutan ko siya ng noo. More often ka diyan!
"Next time, we'll try lasagna. I'll teach you my masterpiece." Hambog kong sabi sa kanya. Natawa siya. "Game!"
Tawa ako ng tawa sa pinanood naming movie. Mr. Bean will always be the best! Busog na busog ako. Inubos ko lahat ng luto ni Ast. I just love carbonara and I love the taste. Ang hirap namang tingnan ko lang di ba?
Pagkatapos naming manood ng movie, nagpatulong sa akin si Ast sa kanyang project. I happily helped him.
Inilabas niya ang kanyang materials. Gagawa pala siya ng AM and FM Radio. Minor project daw nila ito. Nahiya naman ako sa minor nila.
Wala akong alam sa installation pero may background ako sa mga capacitor kaya kahit papaano ay nakatulong ako sa kanya.
Ast arranged the wirings as I try to put the led using the soldering iron. Sobrang seryoso naming dalawa hanggang sa tumunog ang cellphone ni Ast. Napatingin kaming dalawa sa kanyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang hotline iyon ng PGS.
BINABASA MO ANG
Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)
RomancePeople are so good at judging and looking for mistakes and we look for physical beauty and titles. Today, money means beauty, and if there is beauty, there will be friends. But will you live happily with that? Will you?