Kabanata 13

2.6K 80 2
                                    


Kabanata 13

Not For Me



"Life isn't a competition of who got who and what has what. A lady competes with herself only."

***

"Des?" nilingon ko agad ang tumawag sa akin. Nakita kong si Trina ito.

She's never the same. Malalim ang kanyang mga mata at palagi siyang may iniisip. I am worrying about her.

"You okay?" tanong ko at binitiwan muna ang librong aking binabasa. Kasalukuyan kaming nasa likod ng IT-Building.

She nodded. "I'll be."

Meaning... she is not okay at this moment.

"Trina naman. Don't tell me..."

Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil sa pag-iling niya. "Shh. Don't mention it. They might hear."

"Who?"

"Basta!"

"Who, trina? Sino?"

She smiled faintly. Hindi iyon umabot sa kanyang mga mata na palagi niyang ginagawa noon.

Humugot siya ng malalim na hininga. "I'll tell you when I am ready. Please."

Nagpakawala na lang ako ng hininga. I understand.

"Okay. Please tell me soon, Trina. You have me."

Ngumiti siya ulit sa akin. "I will. Thanks. By the way, nagkausap kami kanina ni Drame. Kayo na daw ni Ast?"

Kumunot agad ang noo ko sa sinabi niya. "What?" pabagsak kong sabi.

"Hey, hey. 'wag kang magalit sa akin. Kay Drame galing iyan!"

"Ano? Saan naman niya nakuha iyan? At bakit ka niya sinabihan?"

"May nakapagsabi daw sa kanya. Taga Gintong-bahay." Iyong mga fratmen?

"And?"

"Iyon. Sinabihan niya ako. Ikaw ha!"

Tumayo ako. "That's a lie. Bakit naman magiging kami ni Ast? Kung sino man ang nagpakalat niyan, he's stupid!"

"Meaning stupid ako?"

Sabay kaming napalingon ni Trina sa lalaking sumingit sa aming gitna. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang kanyang mukha. Naalala ko nung nasa gym ako nakatambay. Iyong fratman na may sinuntok sa court. Iyong kuya ng crush ni Drame. Napaatras ako ng dalawang hakbang. Ganoon din si Trina. Pareho kaming gulat sa pangyayari.

"Hey I am not gonna hurt you both. I'm Dukan. Head ng gintong-bahay. And you must be Des." Hindi pa din ako makapaniwala. Mabuti na lang at siniko ako ni Trina at nagising ako.

Naglahad siya ng kamay. napatingin lang ako dito. Why is he talking to me? What is happening to the world? Bakit niya alam ang pangalan ko?

Tumayo siya ng maayos nang makita niyang hindi ko pinansin ang kanyang kamay.

"May magaganap kasing Regional Basketball Tournament. Kasali tayo sa paligsahan. And since I was assigned by my brother, who is the coach of the MUST Varsity Team, sa paghahanap ng muse ay pinuntahan ko agad si Gean who is your head master right? So I am here trying my luck if will it be okay kung ikaw ang kukunin namin as muse?"

"WHAT?" hindi ko napigilan ang aking pagtaas ng tono. Nahihibang ba siya? And why would Gean recommend me? Dahil nagseserbisyo ako sa MUST-V? What the hell.

Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon