Kabanata 11

2.6K 71 4
                                    



Kabanata 11

Might


I stretched my arms. Mag-aalas diyes na ng gabi. Nagsiuwian na din ang ilang players. Pinulot ko ang mga naiwang empty water container. Kumuha din ako ng floor map para mapunasan ang ilang nagkakalat na tubig sa court.

Bumuntong hininga ako nang matapos ako. Finally.

"I'm sorry about my girlfriend," nilingon ko ang nagsalita. Nakita ko si Nion na nakakamot sa kanyang ulo.

Umatras ako ng isang hakbang. "Let's not make the situation worse, Nion. Mas mabuting huwag mo na lang akong kausapin." Sabi ko at nginitian siya.

"You do push people like that. Isa pa, umuwi na siya. She won't see us. So..." Tinaasan ko siya ng kilay.

"What do you mean?"

"Gean told me you are different from the other girls." Naningkit ang aking mga mata sa sinabi niya.

"Excuse me?"

"I can see now why."

Sumakit ang ulo ko sa sinabi niya.

"We are not playing hide and seek here, Nion. Ano ang ibig mong sabihin?"

Ngumiti siya sa akin. Lumabas ang pagiging gwapo niya. Shit. Kaya pala o-a ang kanyang girlfriend. This guy is a nice catch.

"Nevermind. Ihahatid na kita sa bahay niyo." Tinaasan ko siya ng kilay. May girlfriend siya! O baka naman... player ang isang ito. No way!

Baka bugahan ako ng apoy ng girlfriend niya.

Kailangan kong maghanap ng excuse. Inilibot ko ang aking paningin, nagbabakasakaling makahanap ng excuse. Tanging isang tao na lamang ang natira sa gym. Si Ast. Nakatayo siya at umiinom ng tubig. Kami na lang pa lang tatlo ang nandito. Damn!

Ang bilis namang makaalis ng iba!

Napatingin sa akin si Ast. Alam ko na!

Tinaasan niya ako ng kilay.

Nilingon ko ulit si Nion. Nagkagat labi siya.

"Uh... hindi pwede e. Baka magalit si Ast. Siya kasi ang maghahatid sa akin."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Nion. Nilingon ko ulit si Ast. Nakatingin pa din siya sa amin. Nginitian ko siya ng pilit. Lupa, kainin mo na ako, please.

"Ast," malambing kong tawag sa kanya. Nakangiti pa din ako. Nasusuka na ako sa aking sarili.

"Come here, please." Sa taas ni Ast, parang ilang hakbang lang ang ginawa niya at nandito na siya sa aking tabi. Kumunot ang noo niya sa akin at kay Nion.

Forgive me.

Inabot ko ang kamay ni Ast at ipinagsiklop ang aming mga daliri.

Tiningnan ako ni Ast na naguguluhan. Nginitian ko siya.

Nanginginig ang kamay ko. His palm is rough. It made me think for a second that he may be that hardworking or what.

"Love, uwi na tayo. Inaantok na ako e." Help me damn it! Mas lalong kumunot ang noo ni Ast. Please Ast! Sumabay ka na lang. Please. Please.

Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at umayos ang kanyang noo.

"Okay. I'll just keep my things."

THANK YOU LORD! Nakuha niya iyon. Sinabayan niya ako.

Ngumiti sa akin si Ast at para niyang nayanig ang aking mundo doon.

Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon