Kabanata 26
Ast
Napatingin ako sa aking relo. 7:30 na pero wala pa ding Ast na nagpapakita sa akin. He said magbi-breakfast kami ng sabay. Where is he?
Baka napano iyon o ano. O baka naman delay lang an flight.
"So what are your plans?" tanong ng aming propesor. Dahil sa topic naming Social Studies, napapasubo ako nito ng walang oras.
We have to observe an environment on youth's behavior nowadays. Ang plano ko, tatambay ako sa library for 4 hours ang pag-aaralan ko ang behavior ng mga mag-aaral katulad. Are they using the library for their studies, projects and researches o ginagawa lang nila ito ng tulugan, tambayan at dating place. One way to find out, sa vacant ko, tatambay ako doon. For project purposes lang naman.
"This will be done individually." Oh, shoot!
Napatingin sa akin si Trina at nakanguso na ito. So sad. Sana by pairs na lang e. But rules are rules.
"Tulungan na lang tayo." Bulong ko dito.
"Kakayanin." Aniya.
Sunod kong klase ay Philippine Literature. At dahil hindi kami magkaklase ni Trina dito, wala akong choice kundi iwanan muna ang grupo. May dala akong laptop dahil may gagawin daw kami ngayon.
Ikanga ni maam, we will make use of the technology.
Maaga akong nakarating sa classroom kaya mabibilang ko pa lang sa aking daliri kung ilan lang kami ngayon. Pagkapasok ko pa lang ay ang pag-irap agad ni Princess ang una kong napansin. Pinigilan kong mapasimangot.
Problema ng babaeng ito!
"Speaking of the malandi." Narinig kong sabi niya sa kanyang katabi. Chill Des. Chill. They are talking to me, right? Ano na naman kaya mga kasinungaling sinasabi nito.
"She's not even rich. Let's not compete with her." Aniya ulit. May pinaparinig ba siya o ano?
Kung ako, compete? Kailan ako nakipagkompitensya ng babaeng ito? Gaga! Bahala ka sa buhay mo.
"Or maybe, nagmamarunong. Akala mo kung sinong matalino. E first year pa lang." Okay confirmed. Ako nga ang pinag-uusapan nila. Ako lang kaya ang first year dito.
Again, chill Des.
"Hindi niya alam, pinaglalaruan lang pala siya. Confident masyado, e no?"
Binuksan ko na lang ang libro ko at nagreview. Princess is Princess. I may not know her that deep, pero isa lang ang sure ako. Insecure siya masyado sa akin.
"So kamusta kayo ni Ast?"
"Okay lang. Binigyan niya ako ng durian candy kanina. Galing pala siya ng Davao." Napatigil ako sa pagbabasa sa aking narinig kay Princess.
"He's so sweet." Dagdag pa niya. Okay... okay.
Totoo ba iyan?
Edi sila na ni Ast!
Dumating ang aming guro at nagsimula kami sa aming klase. Pinag-essay niya kami, with time limit and word limit at ipinasend niya kaagad sa kanyang email.
Nang matapos ang klase, wala pa ding Ast ang nagpapakita sa akin.
"Nasaan na kaya si Ast? Ininvite ako nun kanina na sa kanila kami mag dinner e." natigilan ako sa aking narinig na naman kay Princess. Alam kong nananadya ang babaeng ito e. Nilalakasan ang boses para marinig ko. News flash bitch, wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)
RomancePeople are so good at judging and looking for mistakes and we look for physical beauty and titles. Today, money means beauty, and if there is beauty, there will be friends. But will you live happily with that? Will you?