Kabanata 21
Damn
Pagdating namin sa dahilayan, na feel ko na agad ang gap sa pagitan ng pamilya nila Ast.
Napatingin ang dad ni Ast sa akin pagbaba namin sa sasakyan.
"Ito ba iyong kaibigan mo anak?" tanong nito.
Tumango si Ast at pinakilala ako. "This is Thedessa Ambers, dad. Des, si Dad." nakipagkamay ako sa kanyang Papa at nagulat nang yakapin niya ako saglit.
"I'm happy to know na may kaibigang katulad mo ang anak ko, Thedessa." Katulad ko? bakit? Ano ba ang experience ng ama niya? "Kaano-ano mo si Hilga Ambers?" dagdag pa nito.
Saglit akong napaisip sa tanong ng ama niya. Hilga?
Umiling ako. "Sorry Sir, wala po akong kilala." Nahihiyang sagot ko.
Naramdaman ko ang haplos ng palad ni Ast sa aking likoran.
"Skip the formalities. Call me tito Lawrence." Napangiti ako sa kanyang inoffer.
"Sige po, tito Lawrence."
"But do you mind telling me the names of your parents?"
"Hindi naman po. Dad's name is Max Ambers and mom's Thessie Ambers." Pansin kong saglit na natigilan ang ama ni Ast nang malaman ang pangalan ng aking mga magulang.
Pinigilan kong huwag itaas ang aking kilay.
"I see. Thank you. And please tell Ast kung ano ang gusto mo, okay?"
That was weird.
Dinaluhan din ng ama ni Ast ang kanyang asawa. Nakita ko pa ang pag-irap ng asawa nito kay Ast.
I remember what Gean told me.
"What's the name of your mom? Galit ba siya?" sunod-sunod kong tanong.
"She's my step mom." Napaangat ang tingin ko kay Ast. He smiled faintly. "Hiwalay na sina Mama at Papa noong bata pa lang ako." Okay. Alam ko na iyan kay Gean. Ang hindi ko lang alam ay kung kailan naghiwalay.
"I'm sorry."
"That's life." Matamlay niyang sabi.
I moved closer to him and held him in his arms.
Gusto ko sanang tanungin kung okay lang ba siya o ano ba ang pakiramdam, pero natatakot akong masira ang mood niya ngayon dahil sa maling tanong ko.
"So what's her name?"
"Tita Fene."
Napatingin ako sa babaeng nagngangalang Fene.
Nakanguso ang kanyang tita fene kasama nito ang dalawang anak na babae na mukhang kaedad ko lang. Ngayon ko lang din napansin na twins pala ang dalawa.
"Galit ba siya?"
"Don't mind her."
I stopped Ast from walking.
"Ast, you have to tell me para alam ko kung saan ako lulugar."
Pinaharap niya ako sa kanya sabay hawak sa aking magkabilang balikat.
"Dinala kita dito para naman makarelax ka. Let's not mind her okay?" ang pag-iwas pa lang ni Ast sa tanong ay alam ko na ang sagot. Pero hindi pwede.
"I will not mind her if you tell me why."
Nagpakawala siya ng hininga sa kakulitan ko.
"She do not like me and my mom."
Napanguso ako sa sinabi. Although alam ko naman kasi sobrang obvious nga nang reaction niya.
BINABASA MO ANG
Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)
RomantiekPeople are so good at judging and looking for mistakes and we look for physical beauty and titles. Today, money means beauty, and if there is beauty, there will be friends. But will you live happily with that? Will you?