Kabanata 41

1.7K 78 21
                                    

Hi! I-welcome niyo ako ulit. Hahahaha! I miss you guys! Been so busy, seriously. What a challenging year it is. But I'm back here, so enjoy my updates na. :)


Kabanata 41



Napatingin ako sa labas ng aking bintana nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Napasimangot ako. Ang init-init pa kanina ah. Saan galing ang ulan?

Oh well!

Plano ko pa naman sanang pumunta ng cafeteria para bumili ng dinner. Gusto kong mag macaroni salad ngayon.

I glanced at the digital clock beside my bed. Nakita kong mag aalas otso na pala ng gabi.

Napatanto ko ding, kanina pa pala ako nakaupo dito sa loob ng aking kwarto.

Para akong tanga ha.

I wasted my time doing nothing!

Well oh well, bahala na. Lutang na lutang ata ako masyado ngayong gabi.

I sighed. Hindi ko alam pero I'm not feeling good.

Napagod ata ang utak ko sa mga bagay na nalaman ko sa araw na ito. Totoong hindi pa din ako makaget over kina Dukan at Gean. It is not what I expected. Seriously!

Hindi ko talaga inexpect na ganoon na pala ang dalawa.

Damn!

Kasi naman diba, their parents... their conflict... and oh my Goodness! Paano kung malaman ng dalawa? Paano nga kung...

Naku! Malamang sa malamang, magkakagulo ang lahat.

Galit si Gean sa taong sumira sa kanilang pamilya. At alam kong ganoon din kagalit si Dukan sa taong gumulo sa pamilya nila.

Okay, Des! Kailangan mo ng mag move-on.

Tama!

Nababaliw na ata ako sa kakaisip.


Isa pa, hindi lang naman iyan ang nasa utak ko. Idagdag mo pa ang lecheng Marthane na iyon.

Hindi ko pa din maiwala sa aking utak ang paraan ng pagtingin niya kay Ast kanina.

Babae ako, alam ko kung anong klaseng tingin iyon.

I hate it! I hate myself for feeling this way.

Nagiging OA na ako.

Hindi ako ito a!

May biglang kumatok sa pintoan ng aking kwarto at agad na pumasok si Trina na nakangiti.

"Okay ka lang?" Tanong niya at dahan-dahang lumapit sa akin.

Napailing ako.

"Oo naman. Bakit?" Sagot ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Trina at binigyan ng isang malademonyong ngiti.

"Ast has been calling you 8th times already. Nag-away kayo?" tanong niyang nakangiti habang nakatitig sa cellphone ko sa harapan niya.

"Ba't mo naitanong trin?"

"Hello! Natural na itanong ko. Hindi mo sinasagot kaya."

Napalunok ako.

Ang gulo kasi ng utak ko ngayon.

"Girl, nawawala ka na naman sa sarili mo," putol ni Trina sa akin.

"Huh? Wala kaya. Ano ka ba?"

"Mind sharing me your thoughts?" aniya.

Umiling ako. "Wala nga Trin. Wala lang to."

"Sure? Or are you still thinking about that Marthane and how close she was with Ast earlier kaya hindi mo sinasagot ang mga tawag niya?"

Isa pa iyan. Napatahimik ako.

Huli ako ni Trina dito ah.

"Kaysa naman maging praning ka diyan, why don't you confront Ast? Isa pa. Sobrang in-love ang lalaking iyon sa iyo girl para gaguhin ka niya. Kung alam mo lang."

Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi pero hindi na lang ako nagtanong.

Trina said goodbye to me when someone called her phone. Nagmamadali din itong lumabas sa aking silid. I wonder sino ang tumawag sa kanya.

Hmmm.

Malakas ang ulan at sinamahan din ito ng malakas din na hangin. I can feel it here inside my room.

May bagyo ata.

My phone rang again.

Ast is calling.

There's no way I am going to tell him na bothered ako sa Marthane na iyon.

Well, siguro nagiging o.a na nako. Masyado akong affected ah. Hindi na tama to!

Naku!

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at sinagot ang tawag niya.

"Hello?"

"Galit ka?" napanguso ako sa tanong niya.

"Hindi. Bakit?"

"Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?"

"Huh? Tumawag ka ba?" my goodness Thedessa! "Pasensya, na busy kasi ako. Hindi ko napansin ang tawag mo." Pagpapatuloy ko.

"May nagawa ba akong mali Des?"

"Ano? Wala naman. Ba't mo naitanong?"

"Galit ka. Ano bang nagawa kong mali at nang maayos ko agad." Napakamot ako sa aking ulo. Ano ba Ast! Nababaliw na ako sa iyo.

"Wala nga Ast!"

"Tell me Des," unti-unting naging malumanay ang kanyang boses. Napakagat labi ako.

Ang puso ko. Ang puso ko.

"I cant do this alone without you at kung hindi mo sasabihin sa akin kung ano ang nagawa ko mababaliw ako. Pwede ba kitang puntahan?"

Oh goodness!

Nangingig na ang labi ako.

Parang sasabog na ata anumang oras sa ngayon.

"Please,..."

"P-pero umuulan," What the hell! I am stuttering now? Gago!

"Does it matter? Eh gusto kitang makita. I am on my way Des. Wait for me . Anong gusto mong kainin?"

Hindi ko alam bigla kung ano ang gagawin.

Parang biglang nakalimutan ko yata ang aking buong pagkatao.


Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon