Ang Simula
"Des?" tawag ni Gean sa kaibigan niyang si Thedessa.
Kasalukuyan silang nasa loob ng bookstore malapit sa unibersidad na kanilang pinapasukan. Napatingin si Des sa gawi ni Gean at agad sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi.
May kung anong plano na naman ang dalawang tinaguring Prinsesa ng kalokohan.
"Alam niyo ba, nabasa ko na ang mga librong iyan. As in lahat ng iyan." Ani Princess sa kanyang mga kaibigan. Napangiwi sina Des at Gean sa kanilang narinig, hindi makapaniwala.
"Really? Nakakainggit ka talaga Princess. Alam mo bang pangarap ko ding mabasa ang lahat ng mga librong ito pero wala lang akong pambili? Mabuti ka pa." sagot ng isa sa mga kasamahan ni Princess.
Napangiti si Gean ng malademonyong-ngiti at nilapitan si Princess.
"Kung nabasa mo na ang lahat ng iyan, Princess, ano ngang nangyari sa character sa huli? Nakalimutan ko kasi." singit ni Gean, dahilan para magulat si Princess at ang mga kasamahan nito.
"Well, sa dami nang nabasa ko, imposibleng maalala ko iyan." Napangiwi si Gean sa naging sagot ni Princess.
"Bakit ka ba singit ng singit, Gean? Naiinggit ka ba sa akin?" banat naman ni Princess.
"Inggit? Tang-ina, Princess. Ang sabihin mo, masyado kang pabilib. Aminin mo na, girl. Hindi mo pa nabasa ang mga iyan pero dahil gusto mo sikat ka at nasa iyo ang mga mata ng mga tao, nagsisinungaling ka. Ganyan ka ba ka-gutom sa attention?" Kalmadong sabi ni Gean.
Naiwan nalang na gulat na gulat si Thedessa sa ginawa ni Gean kay Princess na ngayon ay nanlalaki ang mga mata at mukhang iiyak na.
BINABASA MO ANG
Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)
RomancePeople are so good at judging and looking for mistakes and we look for physical beauty and titles. Today, money means beauty, and if there is beauty, there will be friends. But will you live happily with that? Will you?