Kabanata 20

2.7K 85 11
                                    

Kabanata 20

Sunday


Gabi na ng makabalik kami sa MUST. Almost 10. Natagalan kami sa trafiic kaya ganoon.

Inalalayan ako ni Ast pababa. Which is very distracting. Kung ituri niya ako ay para akong baldado. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"What?" nagpipigil tawa niyang tanong.

"Seriously?" nakataas kilay kong tanong.

"Yeah." He said and smiled. Napairap ako.

"Maraming salamat talaga sayo miss Ambers." Pag-uulit na naman ni Coach.

"Walang problema coach. Para sa MUST, why not."

"Everything we do for our school. See you around, okay?"

Tumango ako. "Okay coach."

Hinatid din ako ni Ast sa bahay. We were silent again. Nakahawak lang ako sa braso niya habang dala-dala niya pa din ang aking bag.

"Sabay na lang tayo magtake ng special quiz sa Monday, Ast." Sabi ko dito bilang pagputol sa pananahimik naming dalawa.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Sige. Free ka bukas?" bahagyang napataas ang kaliwang kilay ko sa tanong niya.

"Dependi kung may ipapagawa si Gean sa akin. At isa pa, mag-aaral ako bukas sa na miss nating lessons. Bakit?"

"May cellphone ka?"

Of course Ast. Anong klaseng tanong iyan!

"I have one pero hindi ko masyadong ginagamit." Totoo. Sino naman kasi ang itetext ko dito di ba? Mom and dad are far. Sa email lang kami nagchicikahan at sa skype.

"I'll have your number then." Okay.

Binigay niya sa akin ang kanyang cellphone. I typed my number in his phone. Ako na din ang naglagay ng pangalan ko.

Thedessa

"I'll call you then tomorrow."

"Sige Ast. I will wait for the call." Napangiti siya sa sinabi ko. Totoo. Hihintayin ko talaga. Para saan pa ang pagbigay ko.

"And update me kung busy ka."

"Bakit ba kasi?"

"Basta. Bukas ko na lang din sasabihin."

Fine. I'm not gonna break his mood.

Gising pa ang mga supreme namin pagdating ko. Nagulat pa sila nang makapasok ako. I think na disturbo ko ang meeting nila.

"Des!" dali-daling tumayo si Gean at agad akong niyakap.

"Akala namin bukas pa kayo uuwi!" singit ni Emaya.

"Me too. Congrats des!"

"We have a surprise for you."

Biglang lumapit sa akin sina Miss Rhaye Yanyez, ang assistant ni Gean at si Miss Tranchere, ang head ng crown. Niyakap nila ako. Lumapit sa akin si Miss Maina , ang head ng crafty na may dalang bouquet at si Emaya na may dalang cake na may nakasinding kandila.

Lumaki ang ngiti ko sa kanilang surpresa.

"Blow the candle. Thank you for bringing pride to our beloved university and most especially, for bringing honor to PGS."

Their surprise was simply amazing. Hindi ko kasi inakala na may ganoon, isa pa, mga head silang lahat. Especially Gean. Nang matapos ang maliit naming kamustahan ay umakyat na ako sa aking kwarto. Bukas ko na lang pupuntahan si Trina. I miss that girl.

Bitch Code 1.0 (MUST Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon