Chapter 1

41K 927 208
                                    

Revised.

Lorelei POV

Bigla akong napatayo sa gulat nang makita ko ang mga text messages ko sa cellphone ng hindi ko kilalang tao.

Matapos ay nagmadali akong tumayo, umalis at nilampasan siya. Makapal naman talaga ang mukha ko pero bigla 'kong kinain ng hiya ngayon.

Walang hiya talaga si kuya! Magse-saved na lang ng number niya mali pa!

"Miss, it's late already. I can take you home if you want," napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya, "since wala na rin namang masasakyan."

Bahagya ko siyang nilingon at nakita kong sinalo-salo niya ang susi ng kaniyang sasakyan.

Mukha namang mapapagkatiwalaan siya. His wearing black sweatshirt, kaya mas lumalantad ang kaputian niya. Para siyang artista. Kahit simple lang ang suot niya, ang lakas pa rin ng dating niya.

Nang mahalata niya ang pagtitig ko sa kaniya ay bigla siyang ngumiti. "Don't worry, I won't do anything bad to you," he assured me.

Para makumbinsi ako, kinapa niya pa ang kaniyang wallet sa bulsa saka kinuha ito. Inilabas niya ang kaniyang ID at pinakita sa akin ito.

Anong magagawa ng ID mo kung napatay mo na 'ko. Hindi na rin naman ako makakapag-report sa pulis para isumbong ka 'pag patay na 'ko.

"I'm a licensed psychiatrist. I'm also a law student." Hindi ko naman nabasa ang kaniyang pangalan.

Sa huli ay napapayag niya akong sumama sa kaniya. Mahihirapan na rin naman talaga akong maghanap ng masasakyan.

Tahimik lang ako habang nakaupo sa passenger seat ng kaniyang sasakyan. Umiimik lang ako kapag ituturo ko ang daan.

Hindi naman talaga ako tahimik na tao. Madaldal talaga ako, medyo nahihiya palang akong makipag-usap sa kaniya.

Pakiramdam ko nga ay kanina pang nag-iinit ang pisngi ko. Feeling ko ihahatid ako ng pogi kong boyfriend, kahit ni isang beses ay hindi pa naman talaga ako nagkaka-boyfriend.

Medyo traffic sa daan kaya wala na rin masiyadong masakyan. Habang naghihintay na umusad ang sasakyan ay kinuha ko na muna ang aking cellphone.

Nang tumingin sa katabing bintana ang lalaking kasama ko ay dali-dali at lihim ko siyang pinicturan saka agad na nagpanggap na busy sa pagse-cellphone.

Dumiretso ako sa aking twitter at pinigilan ko ang aking mga ngiti na lumabas nang i-upload ko ang nakaw kong picture.

Medyo blurred lang yung kuha ko ng dahil sa pagmamadali pero kahit na gano'n ay ang ganda pa rin ng pagkakakuha.

Halatang pogi ang pinicturan, kahit likod lang naman niya ang nakuhanan ko.

'Pogi so much ng boyfriend ko—este ng driver ko.' 'Yan ang inilagay kong caption.

Pagkatapos ay pinatay ko na ang phone at itinago sa bag ko. Nagsimula na ring umusad ang mga sasakyan.


"Thank you," saad ko nang tumigil na ang sasakyan sa tapat ng gate namin. Bukas na bukas ang malaking gate ng aming bahay at mukhang kauuwi lamang din ni Kuya Charles.

Tumango lamang siya at bahagyang ngumiti.

Nang tumingin ako sa harap ng aming bahay ay napansin ko ng naglalakad papalapit sa sinasakyan ko si kuya Charles. Ang kaniyang mga mata ay naniningkit habang sinisipat ang loob ng sasakyan.

Nakabukas kasi ang bintana sa tabi ko.

Nakaputing long sleeve pa siya at nakapantalong itim. Suot niya pa rin ang kaniyang itim na sapatos. Mukhang kararating niya lang talaga galing sa school. Kaya dali-dali ko ng inalis ang aking seatbelt at bumaba ng sasakyan.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon