Chapter 16

22K 645 8
                                    

"Okay ka lang girl?" tanong kaagad ni Ian ng makarating ako sa labas ng campus.

"Oo," maikli kong sagot sa kaniya.

"Sabi ko naman kasi sayo eh, di ka magugustuhan non." saad pa ni Ian.

"Oo na, wag mo na kong sermonan. Tinigilan ko na nga eh." reklamo ko.

"IINOM NALANG NATIN YAN!" sigaw ni Philip.

"Oo, ililibre mo pa kami!" sagot sa kaniya ni Ian.

"Tara na! Lez go!" pag aaya ni Philip at nauna ng maglakad paalis.

"Sira! Magpalit muna tayo ng damit! Di tayo papapasukin pag nakitang nakauniform tayo ng ganito, atsaka maaga pa" saad ko kaagad sa kanila. Masyado silang excited uminom, parang sila ang broken ah? 

"Oo nga, bobo netong si Philip eh hahahahha" paninisi ni Ian saka nagtatakbo papalapit kay Philip.

"Bobo agad? Libre mo sarili mo magisa!" reklamo sa kaniya ni Philip. Nagtampo kaagad, kaya pinagtawanan lang sila ng mga kasama naming kaklase.

"Uy jok jok lang syempre yun! Ikaw yata pinakamatalino sa klase hahha" panunuyo ni Ian saka yumakap sa braso ni Philip kaso, agad iyong tinanggal ni Philip at animo'y nandidiri.

"Arte!" reklamo ni Ian.

"Hindi na ko marupok." saad ni Philip.

"OH! KAYA PALA! ISANG I LOVE YOU LANG NUNG EX MO! BINALIKAN MO AGAD!" sigaw sa kaniya ni Ian. Bunganga talaga ng lalaking ito, abot hanggang sa kabilang kanto!

"Sapol! Hahahhaah" pang aasar pa ni Jenny.

"UWIAN NA! DI NA MASAYA!" sigaw ni Philip habang nakabilog ang dalawang kamay sa gilid ng bibig.

"T5nga! Uwian na naman talaga, kanina pa!" natatawang pambabara ni Ian, kaya muli kaming nagtawanan.

"Pvta wag ka ng sumama!" pagbabanta ni Philip kay Ian. Pikon!

"Joke lang syempre hahaha" pagbawi ni Ian. "Ito naman! Di mabiro HAHAH"

"O ano? Kita-kita nalang tayo sa stag nite bar mamaya?" ani ni Philip na akmang liliko na.

"Sige"

"Ge"

"Basta libre mo, go kami"

"Hahhaah"

"Ano oras?"

"8 pm tayo" sagot ni Philip

"Pvta Philip! Siguraduhin mong sisipot ka ha!" pagbabanta ni Jenny kaya nagtawanan kaming lahat.

"Oo naman Jenny miloves" nakangiting sagot nito kay Jenny. Sus! Dumadamoves si Pilimon! May jowa ka na!

"G kami!"

"G"

"Sure"

"Pvta alam ko naman na 'g'  kayong lahat basta libre!" sagot ni Philip kaya muli kaming natawa.
"Alam mo naman pala tinanong mo pa!" sigaw na naman sa kaniya ni Ian.

"Hindi ka kasama mamaya ha!" muling banta ni Philip sa kaniya. Hetong dalawang ito, lagi ng magkaaway! Sarap pag umpugin, mamaya sila magkatuluyan niyan!

"Nagbibiro lang eh hahha, di ka na nasanay sakin hahahh" muling pagbawi ni Ian. "Lam mo namang loves kita" paglalambing pa ni Ian.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon