Chapter 39

18.7K 610 87
                                    

"Happy Birthday KY!" malakas na sigaw ni Austin. 

Nang kumalas sa mahigpit na pagkakayakap si Ky ay pinunasan niya pa ang kaunting tubig na nanggaling sa kaniyang mga mata at matamis akong nginitian.

Hindi ko alam ang gagawin ko!

Nang lingunin ko si Austin ay malawak ang kaniyang pagkakangiti habang hawak-hawak ang maskarang pang kidnapper na kanina nilang suot. Ganon din sina Kevin at Christian na may mga hawak-hawak na maskarang ginamit nila sa pang kikidnap sa akin.

Masaya silang nagpalakpakan.

"WHOAH!!" malakas na sigaw ni Clarisse kasama sina Jenny at Ian na nakaupo sa iisang table. Malakas ding nagpalakpakan ang lahat.

So pinlano pala nila 'to?

"H-hindi mo naman ako kailangang ipakidnap," mahina kong bulong habang napapatungo sa aking pwesto. Nakakahiya sa mga tao!

Halos himatayin kaya ako sa kaba kanina!

"I-I don't know about this," nangingiti niyang paliwanag.

Halos pagsisihan ko ng bumalik pa 'ko ng Pilipinas tapos sina Austin lang pala yon? Gusto kong manapak.

Agad kong naramdaman ang kuryente ng biglang hawakan ni Ky ang aking isang kamay at kinuha ang mic sa MC.

"Good evening everyone" nakangiti niyang bati  sa lahat. "I would like you to meet my fiance, Lorelei Sandoval" nakangiti niyang anunsyo.

Literal na nanlaki ang aking mga mata nang tingnan ko siya. Halos malaglag ang aking panga ng dahil sa narinig. 

Desisyon ka?

Nakangiti lang siya sa akin, rinig na rinig ko ang malalakas na tili nina Clarisse, Jenny at Ian. Ganon din ang sigaw nina Austin.

"K-Ky!" sita ko pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa aking kamay.

Lagot talaga ako nito kay Kuya!

"Nababaliw ka na ba?" bulong ko. Hindi niya ako pinansin, pinisil pisil niya lang ang aking kamay. "Hindi mo pa nga ko natatanong kung single ba ko," sarkastiko kong bulong.

"So are you?" bulong niya din.

"Hindi," bulong ko. Napatitig siya sa akin at nawala ang mahigpit nyang pagkakakapit sa aking kamay, naglaho din ang mga ngiti sa kaniyang labi. "Inannounce mo na, na fiance mo ko eh, edi hindi na ko single!" mapakla kong dagdag saka inirapan siya.

Muling sumilay ang ngiti sa kaniya ng marinig ang huli kong sinabi.

"K-Ky" tawag ko ulit. Napansin kong suot niya din pala ang kaparehas na singsing na katulad ng ibinigay niya sa akin noon.

"Hmm?"

"Hindi ka na ba galit sakin?" nag aalangan kong tanong. Agad siyang nagbaba ng tingin sa akin.

"I should be the one asking you that." sagot niya. "So... are you mad at me, baby?"

Baby?!

Napapangiti ko siyang nairapan, pakiramdam ko ay namumula na naman ang aking pisngi. Kasi naman! Ang speed ni Ky!

Hindi binitawan ni Ky ang aking kamay hanggang sa matapos siyang mag announce sa unahan at madala niya ako sa table ng aming mga kaibigan at doon kami naupo, ngunit may babaeng hindi pamilyar sa akin ang kasama nina Clarisse at katabi ni Kevin.

"Ayos ba ang regalo namin sayo Attorney?" nakangiting tanong ni Jenny. Inirapan ko siya.

"Wala din akong maisip na pwedeng iregalo kay Ky kaya nakisakay na rin ako sa plano nila," nakangiting saad ni Austin.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon