Chapter 44

18.3K 475 165
                                    

"Who are you?" kunot noo niyang tanong sa akin.

"Hoy Ky wag ka ngang magbiro ng ganyan!" naiinis kong saad sa kaniya.

Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.

"Kay!" tawag ko ng hindi na siya umimik.

"I don't actually know you," walang emosyon niyang saad saka nag iwas ng tingin.

"Kayden!" saway ng daddy niya.

"I don't know them," pinagpipilitang saad ni Ky saka tumingin din kay kuya bago muling umiwas ng tingin.

Huminga ako ng malalim, "Ky, mababa lang ang blood sugar mo, wag kang umarteng naamnesia ka."

"Ky, wag kang magbiro ng ganyan." seryosong saad ni kuya habang nakahawak sa dalawang baywang niya.

Pinagkunutan lang ng noo ni Ky si kuya, "I'm serious. I don't actually know the two of you."

"Kayden" tawag ng kaniyang mommy kaya lahat kami ay nilingon si tita na nasa pinto. "Masamang biro yan, ikakasal na kayo ni Lori." saway ni tita.

Lalong nangunot ang noo ni Ky at tumingin sa akin, "We're getting married?"

"Ikakasal na kayo?" wala sa sariling tanong ni kuya. Hindi ko pa pala na sasabi sa kanila ni mama.

Hindi pa rin naman namin napapagusapan ni Ky ulit iyon.

"Hindi mo pa ba alam iho?" takang tanong ni tita.

Nakita ko ang ginawang paglunok ni kuya saka bahagyang tumango, "Pano yan? Mukhang hindi matutuloy ang kasalan" nangingiting pagpaparinig ni kuya habang nakatingin kay Ky. Halatang nang aasar ito. Nakita ko rin ang ginawang pag irap ni Ky nang magiwas ito ng tingin.

Ramdam kong nagpapanggap ka lang Ky. Ang layo ng mababang blood sugar sa amnesia.

"Hindi ako papayag na makasal ang kapatid ko sa taong hindi naman siya nakikilala," seryosong pagpaparinig ni kuya matapos ay nahagip ko ang ginawa nitong lihim na pag ngisi.

Napahawak sa sintido ang daddy ni Ky. 

Bakit parang problemado sila na hindi makakasal si Ky?

"Call Veronica" may awtoridad na utos ng daddy niya kay tita.

Sinong Veronica?

"K-kuya" nauutal kong tawag. 

Bakit kinabahan ako nung marinig ko ang pangalang Veronica?

"Let's go Lori, pupuntahan ka pa ni Francis mamaya," pag aaya ni kuya saka hinawakan ang aking palapulsuhan. 

Nang hilahin ako patayo ni kuya ay agad na nahawakan ni Ky ang aking isang palapulsuhan na malapit sa kaniya at hinila ako pabalik sa aking pagkakaupo.

"I want to know her," pagpapalusot ni Ky habang hawak ang aking isang palapulsuhan.

Ngumiti ng nakakaloko si kuya bago umiling-iling, "Magkikita kasi sila ni Francis eh," pagdadahilan ni Kuya.

"You said earlier that we're getting married, right? Bakit sila magkikita?" seryosong pagtatanong ni Ky.

"Why do you care?" nakangiting tanong ni Kuya. "You don't know my sister, right?" balik na tanong nya

Inirapan siya ni Ky, "Let's go Lori, Francis is waiting for you" nakangising saad ni kuya at muling hinila ang aking palapulsuhan para mapatayo ako, ngunit muling hinila na naman pabalik ni Ky ang aking isang palapulsuhan, "I said, I wanted to know her!" mariin at seryosong saad ni Ky, "We're still getting married."

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon