Chapter 10

25.1K 730 295
                                    

Lorelei POV

"Tin, doon tayo!"

Sabay-sabay kaming napalingon nina Clarisse, Jenny at Ian nang marinig namin ang boses ni Kevin dito sa loob ng Canteen.

Maraming estudyante rito sa loob kaya halatang naghahanap sila ng kanilang mauupuan. Mukhang breaktime nila ngayon.

Agad akong napaiwas ng tingin nang mapanukso akong tingnan ng mga kaibigan ni Kayden.

"Lori, okay lang bang makiupo sa inyo?" nakangiting tanong ni Kevin. 

"Hindi," biglang sagot ni Jenny. Napalipat naman kaagad sa kaniya ang tingin namin. Matapos ay bigla na lamang siyang tumawa. "Masiyado kayong mabigat para kandungin namin."

Napatawa ng malakas sina Ian at Clarisse maging ang mga kaibigan ni Kayden. Pagkatapos ay nagsiupuan na sila sa bakanteng upuan kahit hindi pa naman talaga kami pumapayag maliban kay Kayden na wala na talagang mauupuan. Naunahan na siya nina Austin, Christian at Kevin sa bakanteng upuan.

Walang kwenta talaga mga barkada nito! Pagkaupo ay nagsikainan na agad, walang kapaki-pakialam kung nakatayo yung bebe ko.

"Hoy, paupuin niyo naman si Sir Kay!" biglang sabi ni Jenny.

"Kalungin mo na lang si Lori, Kay," agad na sabi ni Kevin habang dire-diretso sa pagkain.

Mabilis namang nagsitawanan ang aming mga kasama. Pakiramdam ko tuloy ay biglang nag-init ang aking pisngi sa narinig.

"Hoy, ayoko nga 'no!" tutol ko agad kahit na-iimagine ko na ang hitsura namin habang kalong-kalong niya ako.

Aackk!

"Umisod ka rito Clarisse para makaupo si sir Kay," biglang sabi ni Jenny na nakatayo na.

"Aalis ka na?" agad ko namang tanong sa kaniya.

"Tuwang tuwa?" pang-aasar niya pa. Sa mahabang upuan kasi kami nakaupo. Nasabi rin sa amin ni Jenny na aalis siya ng maaga rito sa campus dahil may importante pa siyang gagawin.

Tapos na rin naman ang klase namin. Dumayo lang talaga kami ng kain dito.

"Saan ka pupunta?" singit naman kaagad ni Austin.

"May aasikasuhin lang," sagot ni Jenny saka isinakbit na ang kaniyang bag. "Sige, babye! Mauna na 'ko sa inyo!"

Nang makaupo si Kayden sa tabi ko ay mabilis na napatigil sa pagsubo si Kevin saka akong mapanuksong tiningnan. Hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

"Parang may kinikeligs," pang-aasar pa ni Kevin nang hindi ko siya pansinin. Nagsitawanan naman kaagad sina Austin.


Kayden POV

Bahagya akong napatikhim nang maramdaman kong sinisiksik ako ni Lori. Kaunti na lamang din ay mahuhulog na 'ko sa upuan dahil sa ginagawa niya.

"Lori! May balak ka bang ihulog si sir Kayden?" napatawang tanong ni Clarisse nang tumayo na siya para kumuha nang maiinom. 

Napalunok ako saka nagtuloy-tuloy na lamang sa pagsubo. 

"Lawak na lawak ng space sinisiksik mo si Sir!" panunukso pa ni Clarisse.

Mabilis na umisod si Lori pabalik at agad naman akong nakaupo ng maayos. "S-Sorry," sabi niya.

"It's okay."

"Sabihin mo na lang Lori kung gusto mo ng yakapin!" biglang pang-aasar ni Kevin na mukhang kanina pa kaming pinapanood.

Yeah, I can hug you if you want.

Lorelei POV

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon