Chapter 33

16K 510 78
                                    

"Kuya sunduin mo na ko" umiiyak kong saad sa cellphone bago ibaba ang tawag.

"L-lori?" naniniguradong tanong ng lalaki. Nang tingalain ko ang lalaki ay nag aalala ang mukha nito sa akin.

"K-kuya Francis," humihikbi kong tawag sa kaniyang pangalan. Umupo rin si Francis upang magpantay kaming dalawa. Lalo akong naiyak ng bigla niya akong yakapin.

"Shhhh," pagpapatahan niya. "Tatawagan ko si Charles," aniya ng bumitaw na siya sa yakap at akmang kukuhanin ang cellphone.

"Papunta na po si Kuya," pigil ko sa kaniya. Sandali niya akong tiningnan sa mata bago marahang tumango.

"Tumayo ka muna," aniya at inalalayan akong tumayo saka pinaupo sa malapit na upuan. Sandali niyang hinubad ang suot na coat saka iyon itinakip sa aking mga balikat.

"Hayaan mo na muna si Ky, maiintindihan ka rin niya" saad niya habang pinapakiramdaman ang sasabihin. Tumango na lamang ako sa kaniya at nanatiling tahimik.

Inilibot ko ang aking paningin para hanapin sina Leslie ngunit wala na siya maging si Leon. Unti unti kong naikuyuom ang aking kamao ng dahil sa sakit, inis at galit na nararamdaman ko.

Iniwan lang nila ako.

Pakiramdam ko ay pinagplanuhan talaga nila ito. Lalo akong napaiyak ng maalala ang nangyari kanina.

Sana hindi na lang  ako nagtiwala sa kanila!

"Lori, you can tell tell me anything. You can trust me, swear. Baka sakaling gumaan ang nararamdaman mo." saad niya ng mapansing iyak lamang ako ng iyak sa harapan niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa panlalabo ang aking mga mata dahil sa walang tigil na luhang lumalabas mula dito.

"I will not force you, but I'm here." dagdag pa niya saka nagpilit ng ngiti.

"Lori!" Sabay kaming napatingin kay Kuya na mabilis na naglalakad papalapit sa amin. Nag aalala ang kaniyang mukha.

"K-kuya!" nanginginig kong tawag. Nang makalapit siya sa akin ay bigla niya akong mahigpit na niyakap.

Hinahaplos ng kaniyang palad ang aking buhok habang pinapatahan ako sa pag iyak.

"Anong nangyari? Nasaan si Kayden?" marahan niyang tanong. Hindi muna ako umimik at lalong naiyak ng marinig ang pangalang 'Kayden'

Iniwan niya na ko.

"Shhhh" pagpapatahan niya. Hinayaan niya na muna akong umiyak hanggang sa tumigil at manawa ako.

"I-iniwan niya na 'ko kuya" paghikbi ko. "Iniwan niya na k-ko! A-ayaw niya na s-sakin!" nanginginig kong sabi. Mas humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Kuya.

Hindi siya bumitaw sa pagkakayakap hangga't hindi rin ako tumitigil sa pag iyak.

"K-kuya tara na" bulong ko at kumalas sa kaniyang yakap saka pinunasan ng aking palad ang luha sa aking mga mata.

Tumayo na rin si Francis mula sa kaniyang pagkakaupo at nakita ko pa siyang nagpahid ng luha sa mata.

"Kanino 'to?" tanong ni kuya sa coat na nakalagay sa balikat ko. "Kay kuya Francis" sagot ko.

Kinuha ni Kuya ang coat at ibinalik iyon kay Francis pagkatapos ay hinubad niya ang suot na jacket na siyang isinuot niya sa akin.

Nang maisuot niya na ang jacket sa akin ay kinuha niya ang hawak kong bag at hinawakan ako sa palapulsuhan para hilahin na paalis kaya tumayo na ako at nagpadala kay Kuya.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon