Special Chapter

19.3K 531 93
                                    

Ilalagay ko po sana sa Special Chapter ang story ni Kylor but I decided po na gawan na lang po siya ng sariling kwento kaya po di agad ako nakapaglagay ng special chap ulit.

Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta <3


"Kuya Cha!" malakas kong tawag kay kuya Charles.

Kanina pa akong hindi makalabas ng kwarto dahil kanina pa ring nasa baba ang mga tropa ng kuya ko.

Sobrang sakit ng puson ko.

"Kuya!"

Sinubukan kong lumabas ng kwarto mukhang hindi niya ako naririnig. "Kuya!" tawag ko ng makatapat sa hagdan.

Nag angat siya ng tingin sa 'kin. Nang makita niyang hindi maipinta ang aking itsura ay dali dali siyang umakyat ng hagdan.

"May masakit ba sa'yo, Lori?" Nag aalala niyang tanong. 

Grade five na'ko samantalang siya ay 4th year high school na.

Wala si Mama at Papa, parehas silang nasa business meeting ngayon. Madalas ay si kuya ang nag aalaga sa akin.

Wala na rin kaming yaya dahil masiyadong na-trauma si kuya at si mama noong huling magkaroon kami ng yaya.

Muntik na ring malunod si kuya Charles no'ng grade five siya, mabuti na lamang ay may batang nakasagip sa kaniya noon na mukhang kasing edad ko lamang rin dati. 

May pinuntahan kaming Beach Resort noon at ipinagkatiwala kami nina Mama at Papa sa yaya namin habang nasa business meeting sila, doon din sa mismong resort. Pero pinabayaan niya kami at bigla na lang siyang nawala sa tabi namin kaya muntik nang malunod si Kuya Charles.

Hindi pa nga namin napapasalamatan 'yong batang babae na nagligtas kay kuya. Bigla na lang din kasi silang nawala noon. Sinubukan din siyang hanapin ni Kuya pero hindi na namin siya nakita.

"Kuya, masakit!" Humihikbi kong sabi habang turo turo ang puson. "Wala rin akong extrang napkin."

Simula noong magka-menstration ako ay palaging si kuya ang taga bili ng napkin ko.

"Punta ka muna sa kwarto mo, bibili lang si kuya," sabi niya bago muling bumaba ng hagdan. Pero nanatili pa rin ako sa itaas ng hagdan at pinanood siyang makababa.

"Kay!" tawag ni kuya sa isa sa mga tropa niya.

"What?" sagot nito na parang naiinis pa habang nakatingin sa laptop.

"Bili ka nga muna ng napkin don sa tindahan." utos ni kuya na parang hindi big deal 'yong pinabibili niya. Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa narinig.

Napaka ano talaga ni kuya!

"WHAT?" nagugulat na sagot no'ng tinawag ni kuya na Kay.

"Bili ka muna ng whisper do'n sa tindahan. Yung may wings ha."

"Bakit ako?" Salubong na salubong ang kilay no'ng Kay. 

"Bilis na haha" Tumatawang sabi ni kuya saka may inabot na barya do'n sa Kay. "At saka ibuprofen."

"What the hell Charles!"

"Dali na! Ako na ang gagawa niyan!" Sabi ni kuya bago inagaw ang laptop don sa Kay. Samantalang 'yong iba nilang kasamahan ay kanina pang pinagtatawanan ang itsura ni Kay.

Bakit kasi nag utos pa si kuya?

Napahinga ng malalim 'yong Kay bago tumayo at biglang naglapat ang tingin naming dalawa. Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi saka nagtatakbo papunta ng kwarto.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon