Chapter 20

22.9K 597 79
                                    

"Yung isa kasi jan biglang nangyayakap! Buti na lang talaga mabait ako."

"O bakit di mo tinanggal AGAD?"  reklamo ni Ian.

"Syempre ginusto din!" natatawang pang aasar ni Clarisse. "Baka nga sarap na sarap pa yan!"

"Kaya nga nagtagal" seryosong pag singit ni kuya at malakas silang nagtawanan maliban ulit sa aming tatlo nina kuya at Kayden.

Napansin ko rin ang biglang pag tahimik ni kuya. Parang ang lalim ng iniisip niya. 

Muling tumayo si Kayden ng tumunog ang cellphone niya, "excuse me" saad niya bago lumayo sa amin, matapos ay may umupo sa pwesto ni Ky na kasamahan rin nila.

Tumatawag na naman siguro yung babae niya!

"Tara muna don sa dance floor!" pagiiba ni Ian sabay tayo pero ang hinila lamang papunta doon ay si Francis.May isa namang nagyaya kay Clarisse ngunit nagpaalam muna siya sa akin bago sumama doon sa lalaki. Nagsitayuan na rin ang ibang mga kasama ni kuya at may kaniya-kaniyang pinuntahan kaya naman kami na lamang ni kuya ang natira sa table.

Bigla akong na awkwardan kahit na maingay ang paligid. Ang tahimik kasi ni kuya habang nagiinom!

"K-kuya Charles," mahina kong tawag sa kaniya.

Nag angat din naman kaagad siya ng tingin sa akin.

"Gusto mo ba talaga siya?" mahinahon niyang tanong kaagad. Bigla na lamang akong napatungo sa tanong niya.

"Lori," tawag ni kuya. Hindi ako umimik at marahan na tumango lamang sa kaniya.

"Okay," mahina niyang sambit saka inilapag ang basong pinaginuman sa lamesa kaya napatingin ako sa kaniya.

"Basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo ha?" aniya na diretsong nakatingin sa aking mga mata, napatango na lamang ulit ako sa kaniya. "Hindi kita mapipigilan, hindi ko kayo mapipigilan, pero ito lang ang masasabi ko sayo, Lori. Ang pag-ibig nanjan lang yan, nahihintay kaya huwag niyong mamadaliin ang mga bagay-bagay, nandito lang si kuya sa oras na kailangan mo." aniya at tumango na lamang ulit ako.

"Alam ko namang kaya ka ng buhayin ni Kay." pagbibiro ni kuya.

Napangiti ako, "Parang tae naman si kuya haha, di pa naman ako mag aasawa eh." natatawa kong saad.

"Dun na rin ang punta non haha" natatawa niyang sabi. "Once a man courted you, mahalagang malaman mo na dapat sigurado na siya sayo, ikaw na yung nakikita niya as his future wife." 

Napanguso ako, "Di nga pa nga siya nanliligaw," pag amin ko.

"Eh ano yung yakapan niyo kanina?" napapangiti niyang tanong.

"Hindi ko naman siya hinug back kuya!" reklamo ko.

Naputol ang pag-uusap namin ni kuya ng makadating na si Kayden.

"I'm sorry, Kev just called me." paliwanag niya.

***

Naparami na rin ang aking nainom, nahihilo na ako at gusto ko na ring matulog ngunit malinaw sa akin na nasa loob pa ako ng bar.

"Kuya," mahina kong tawag habang nakapikit at nakahawak sa noo.

"Lori, you okay?" tanong ni Kayden na katabi ko lamang.

"Mukha ba kong okay? Atsaka huwag mo nga akong hawakan!" saad ko saka inilayo ang sarili ko sa kaniya.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka gegewang-gewang na lumapit kay kuya ngunit naramdaman ko pa rin ang hawak niya ng muntik na kong matumba.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon