Chapter 45

20.3K 568 83
                                    

"Lori," katok ni mama sa pinto ng aking kwarto.

Nag inat muna ako ng katawan bago sagutin ang tawag niya, "Bakit ma?" tanong ko.

Kagigising ko lamang, hindi na ako pinapasok ni kuya sa trabaho. Hindi ko nga alam kung bakit. Basta pinigilan niya ako kanina.

Ginrab ko na lang din yung opportunity dahil gusto kong matulog pa ulit.

"Maligo ka na, may pupuntahan tayo" aniya saka binuksan ang pinto.

Tumingin ako sa orasan, 2:30pm.

kinunotan ko ng noo si mama, "Saan tayo pupunta ma?" pagtataka ko.

"Basta, maligo ka na" nakangiti niyang utos, matapos ay tuluyan na siyang pumasok sa aking kwarto, saka ko palang napansin ang hawak niyang nakahanger na dress. "Ito ang susuutin mo"

Pagtukoy niya sa puting dress na hawak niya. Cocktail dress ito na up shoulder. Halatang hanggang itaas ng aking tuhod ang haba nito.

"B-bakit ma? May party ba tayong pupuntahan?" pag uusisa ko.

"Basta suotin mo yan" nakangiti niyang sabi at inilapag sa aking kama ang dress, "Tawagin mo ko pag tapos ka na ha" aniya bago lumabas ng kwarto.

Nang makalabas sa kwarto si mama ay muli kong tiningnan ang cocktail dress. Mukhang bagay sakin 'to ah? Nangingiti kong isipin.

Bumaba ako sa kama saka masayang sinukat-sukat sa aking katawan ang dress, matapos ay ibinaba ko na ulit iyon sa kama.

Saan kaya kami pupunta?

Kahit naguguluhan ay pumasok na ako ng CR para maligo, sa kalagitnaan ng aking paliligo ay narinig ko ang malakas na tawag ni mama kaya sandali kong pinahinaan ang shower para mas lalo siyang marinig.

"Lori!" tawag ni mama.

"Bakit ma?"

"Bilisan mo ng maligo, ang tagal-tagal mo baka mainip ang ating sundo!" reklamo niya sa akin.

"San ba kasi tayo pupunta ma?" tanong ko.

"Basta bilisan mo na jan" sagot niya at muli kong narinig ang pagsarado ng pinto kaya binuksan ko na ulit ang shower.

Matapos maligo ay isinuot ko na nga ang pinapasuot sa akin ni mamang napaka ganda na cock tail dress. 

Muling pumasok si mama sa kwarto. Napatingin ako sa kaniya ng makita kong nakaayos na siya, "Ano? Hindi ka pa nakakasuklay? Ang bagal mong kumilos, bilisan mo na jan!" pagmamadali niya sabay kuha ng suklay sa lagayan at lumapit sa akin.

Sinuklayan niya ako habang inaayos ang aking suot, hindi din naman nagtagal at kinuha ko na ang suklay kay mama para ako na ang magsuklay sa sarili ko.

Sumunod na kinuha ni mama ay ang blower, kaya matapos kong magsuklay ay pinaupo niya kaagad ako para iblower ang buhok ko.

'Ding-dong'

Mabilis ibinigay sa akin ni mama ang blower, "Hintayin mo ko dito ha?" aniya bago muling lumabas ng kwarto.

Habang naghihintay kay mama ay itinuloy ko ang pagboblower sa pamamagitan ng sarili ko, napatigil lamang ako nang maramdaman ko ang yabag ng mga paa ni mama, pero parang may kasama na siya at kausap.

Hindi nga ako nagkamali ng pumasok sila sa nakabukas na pinto ng aking kwarto.

Lalong nangunot ang noo ko, may kasamang make up artist si mama.

Nang makita niya ako ay malawak niya akong nginitian. Gumanti rin naman ako ng ngiti subalit bahagya lamang.

Kahit naguguluhan ay nagpaayos na lamang ako sa hinire ni mama na make up artist at nang matapos niya akong ayusan ay agad akong humarap sa salamin.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon