Chapter 34

16.5K 510 90
                                    

Clara POV

"Ate Clara!" masayang tawag ng pamilyar na boses. Nilingon ko ito, agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Si Valerie lang pala, ang girlfriend ni Kevin.

She's Valerie De Castro, a horny girlfriend of Kevin.

Nakasuot siya ng puting-puting damit, sa madaling salita, she's wearing a doctor's uniform.

"Anong ginagawa mo dito sa clinic namin?" nakangiting pag uusisa niya. "Magpapacheck up ka ba kay mommy?" tanong niya.

No, actually sinundan ko sina Lori dito. I know that she'll be having a drug test.

Napipilitan akong tumango sa kaniya, kahit hindi naman talaga ako magpapacheck up.

"Tara samahan na kita!" aniya at umakbay sa akin. "Pero may kausap pa kasi si mommy, upo muna tayo dito," pag aaya niya bago naupo sa waiting area.

Umupo na lamang din ako, katabi niya.

"Alam mo ba ate Clara, nakakaawa yung babaeng nasa loob," pagkukwento niya.

"Why?" pagtatanong ko.

Alam kong si Lori ang nasa loob.

"Nagpositive siya sa drug test, Lorelei yata yung pangalan nung babae"

"Paano mo nalaman? Nandito ka naman sa labas ah?" natatawa kong tanong.

"Kasama kasi ako kanina ni mommy habang tinetest yung urine nung Lori, tapos pina ulit-ulit ni  mommy yung test kasi baka nagkamali lang pero positive pa din talaga ang lumalabas." malungkot niyang pagkukwento. 

Number 1 plan, check.

"Ano daw sabi nung Lori?" pag uusisa ko, kunwari ay hindi kilala ang babae.

"Umiiyak siya sa loob, sabi ni mommy may possibility daw na nilagyan ng drugs yung inumin ni Lorelei noong nag inom siya noon sa Stag," aniya at tumango ako. Lihim na natatawa.

Magsasalita pa sana ako but her phone suddenly rang.

"Wait lang ate, tumatawag si Kev" paalam niya. 

"Sige lang" sagot ko matapos ay lumayo na siya sa akin para sagutin ang tawag.

Mabilis kong kinuha ang cellphone sa aking bag para tumawag ng pulis matapos ay tinext ko sina Leslie ng.. 'Plan 1 success'

Lorelei POV

"No! Makakaalis ka pa din ng bansa, hindi ka makukulong." paninigurado ni kuya para gumaan ang kalooban ko. 

But it doesn't make sense.

Naiiyak pa din ako.

Kinuwento ko lahat kay Dr. De Castro ang mga naging epekto sa akin matapos kong inumin ang mga ipinainom ni Leslie.

Paliwanag ng doktor na possibleng may inihalo sila sa aking inumin kaya ako nagkaganon noong gabing iyon at isang matapang na drugs ang inilagay nila sa aking inumin. Mabuti na lamang daw ay kinaya ng aking katawan.

Napagkasunduan naman namin nina kuya at ni doc na ilihim muna sa lahat ang naging resulta ng aking drug test. May mga ipinayo pa sa akin si doc na dapat kong gawin para sa next na pagpapatest ko ay mag clear ako sa drug test, ngunit hindi ko pa nabibitawan ang papel na naglalaman ng resulta ng may biglang pumasok na mga pulis sa kwarto kung saan kami ay nagpupulong -pulong.

Biglang nagkarerahan sa bilis ang tibok ng aking dibdib. Tila namutla ang aking mga labi at nanlamig ang aking kamay. Nanginig din ang aking mga tuhod ng dahil sa takot.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon