Chapter 18

21.2K 686 80
                                    

"Tara inom na ulit!" nakangiting saad ni kuya habang naglalakad at nakaakbay sa akin.

Lasing na yata itong si kuya! Mali ang dinadaanan.

"Saan tayo pupunta? Eh di naman jan table namin ih!" pagtataka ko habang nakatingala sa kaniyang mukha.

Malawak ang pinakawalan niyang ngisi ng magbaba siya ng tingin sa akin.

"Sa table ka na muna namin, alam ko namang gusto mong makita si Ky." nakangisi niyang saad.

Napanguso ako sa sinabi niya saka siya inirapan.

Ayaw ko siyang makita! Ayoko ng maging marupok! Di na ko magiging marupok!

Sa gwapo...

Agad kong inalis ang pagkakaakbay sa akin ni kuya saka ko siya sinamaan ng tingin.

"Anong problema mo?" natatawang tanong ni kuya. "Lalo kang pumapanget pag ganyan itsura mo!" pang aasar niya pa.

Pang asar talaga itong si kuya eh! Kailan man di ako nakalimutang asarin!

"Ayoko sa table niyo!" nakasimangot kong reklamo ngunit lalo lang akong tinawanan ni kuya saka muling inakbayan.

"Daming arte hahhah" aniya sabay lagay ng kabila niyang palad sa ulo ko at ginulo-gulo na naman ang buhok ko habang nakaakbay sa akin.

'Jowable din 'to si kuya eh!' natatawa kong isipin. May pahawak-hawak pa sa bewang ko kanina at patapat-tapat ng labi sa tenga ko, tapos bubulong lang pala ng, 'lagot ka kay mama.'

Nang makarating kami sa kanilang table, agaw pansin kaagad sa akin si Kayden na may hawak-hawak na baso.

Tila biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko, nakagat ko rin ng mariin ang pang ibabang labi ko.

Lalaki lang yan Lori, tandaan mo yan. Kayang-kaya mo 'yang sakalin.

Huminga muna ako ng malalim ngunit hindi pa ako tapos sa ginagawa kong pag-hinga ng biglang nagsalita si kuya. "Mga pre! Kapatid ko nga pala." nakangiti niyang pagpapakilala. Hindi pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa akin.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang natigilang reaksyon ni Kayden. Hindi pa siya nag aangat ng tingin sa amin ngunit ramdam ko ang kaniyang pagkagulat.

Agad kong inilipat sa ibang direksyon ang aking mga mata ng mamalayan kong nag angat na siya ng tingin sa amin.

"Ganda ng kapatid mo pre!" malakas na saad ng di ko kilalang lalaki. 

Makinis na moreno ang kulay ng balat nito. Matangos ang ilong at kakulay ng langit na bughaw ang mga mata nito. Manipis na naghuhugis puso ang kaniyang labi at nag huhugis parisukat din naman ang mukha ng lalaki. Makapal ang kaniyang kilay na bumabagay sa kaniyang itsura.

"Pre pakilala mo naman ako!" nakangiti nitong sabi kay kuya. Tinaliman siya ng tingin ni kuya bago inalis ang akbay sa akin.

Natatawang itinaas noong lalaki ang kaniyang dalawang kamay, senyales ng kaniyang pagsuko, "Pre, wala akong gagawing masama sa kapatid mo!" natatawa nitong sambit.

"Umayos ka Francis" sagot ni kuya sa lalaki. "Kilala kita." banta ni kuya.

Natatawa lang naman ang reaksyon noong Francis, matapos ay tinapik pa nito sa balikat si kuya.

"Pakilala mo naman ako pre," nakangiti nitong paghingi ng permiso kay kuya.

"Ayusin mo 'yang buhay mo Ancis," seryosong saad muli ni kuya. "Ikaw na magpakilala, may sarili ka namang bibig, ayusin mo lang 'yang buhay mo, sinasabi ko sayo."

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon