Chapter 40

19.3K 617 107
                                    

Kayden POV

"Ky, Veronica is already here, prepare yourself" paalala ni dad.

I deeply sighed in distress, how I wish na biglang magkaroon ng himala.

Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang naiisip kong pagtakas sa sarili kong party.

"D-dad" I weakly said. "Please Dad, I don't like Veronica. I'm just waiting for someone. Konting hintay pa dad, nararamdaman kong malapit na siyang dumating, d-dad" pakiusap ko.

Ayokong makasal kay Veronica, pero gusto-gusto na nila akong ipagkasundo dito. They planned to announce our engagement this evening.

"Ky, napagusapan na natin 'to." My dad said before he walked out of my room.

Napaupo ako sa aking kama saka hinilot ang sariling sintido. All I think about now is Lori.

I'm still waiting for her.

When she finished her Bachelor's Degree in Melbourne, buong akala ko ay uuwi na siya but I'm wrong. Nanatili siya doon.

While thinking about how I was going to escape this situation, my phone rang and Austin was calling.

"Austin" I answered the phone call.

"Ky, wag mo munang ituloy ang plano mong tumakas mamaya sa party" Austin said.

Kumunot ang noo ko, "Why?" I asked. Alam nilang may plano akong hindi magpakita mamaya sa party.

"Umattend ka, kami ang bahala sayo," sagot niya.

"Anong plano nyo?" naguguluhan kong tanong.

"Basta, mamaya mo malalaman" aniya. "Wag kang aalis mamaya sa party." He reminds me again before he ends the call.

"Ky.." my mom called.

"M-mom"

"Hinahanap kana ni Vero, halikana sa baba" my mom said.

Muli akong huminga ng malalim, humarap muna ako sa salamin saka  inayos ang suot kong suit bago lumabas ng kwarto. Pinanatili ko ang aking walang emosyon na awra.

Pababa pa lamang ako ng hagdan ay kita ko na ang ngiting-ngiti na itsura ni Vero but I remained serious and deadly cold.

"Ky ngumiti ka," my mom whispered. Hindi ko siya pinakinggan. Pinanatili ko ang aking dark aura.

Nang makababa ng hagdan ay agad akong sinalubong ni Vero. She's going to kiss me on the cheeks, but I ignore her. Nilampasan ko siya dahilan para biglang maglaho ang ngiti sa kaniyang mga labi.

She froze for a moment, "Ky!" malakas na saway ni Dad.

I offered my hand to her parents to welcome them on my party at para hindi sila mag focus sa ginawa ko sa kanilang anak, "Thank you for coming Mr. and Mrs. Vasco," I said before I forced a smile.

Inabot naman nila ang aking kamay para makipag shake hands, "Happy Birthday, Attorney Lopez" they greeted.

***

Nagsisimula na ang party ngunit hindi ko pa rin nakikita sina Austin, Kevin and Christian.

Hindi ko na rin magawang humarap sa mga kaibigan ni Lori, dahil alam kong may alam na sila about sa engagement mamaya.

It isn't about my birthday anyway. It's about the fvcking engagement!

Kasisimula pa lang rin ng party ngunit marami na akong naiinom. I just can't stop myself. It feels like hell.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon