Chapter 43

18.2K 478 131
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" nagugulat kong tanong.

"Say it again." Utos niya.

Mariin kong nakagat ang aking pang ibabang labi saka umiwas ng tingin. Lalong bumilis at lumakas ang tibok ng aking dibdib ng maramdaman ko ang ginawa niyang paglock sa pinto.

"Bakit mo inilock?" kinakabahan kong tanong.

"Shhh" nangingiti niyang pagpapatahimik saka inilagay ang hintuturo sa tapat ng bibig.

Nag iwas ako ng tingin, "You're blushing" nakangiti niyang saad nang makalapit siya sa akin. Wala talaga kong takas dito.

"Say it again," nakangiti niyang utos habang hinahabol ng tingin ang aking matang pauli-uli matapos ay kinorner niya ako bigla sa lamesa kaya't napaupo ang kalahati ng aking pang upo sa lamesa habang nakakulong sa mga bisig niya.

Sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. Nararamdaman ko na rin ang kaniyang mabangong hiningang lumalapat sa aking balat.

"L-lumayo ka nga!" naiilang kong saad at bahagya siyang itinulak pero hindi man lang siya nadala sa tulak ko. Lalo niyang inilapit ang mukha sa akin, konti na lamang ay maglalapat na ang aming mga ilong.

Sasabog na yata ang dibdib ko ng dahil sa kaba.

"K-Ky!" nauutal kong pagpapalayo pero hindi sya natinag.

Sabay kaming napalingon ni Ky sa pinto ng marinig namin ang malakas na tawag at katok ni kuya. Samantalang nanatili sa ganoong posisyon si Ky at di ako pinakawalan sa kaniyang bisig.

"Si k-kuya, Kay" napapalunok kong saad. Mukhang wala siyang balak umalis sa aking harapan. Pamatay na ngiti lamang ang binigay niya sa akin saka muling tumingin sa pinto.

"Lori ano ba! Bat nakalock ang pinto mo?" naiinip ng tawag ni kuya.

"Charles, you're disturbing us!" nakangiting pang aasar ni Ky.

"Kayden?" pagtataka ni kuya sa labas.

"Yeah, come back later, we're busy." nakangiting sambit ni Ky.

"Lori buksan mo ang pinto!" sigaw ni kuya sa labas.

"K-Kayden a-ano ba!" reklamo ko ng subukan kong umalis mula sa pagkakacorner niya ngunit hindi niya ako hinayaan. "Baka lalong magalit si kuya."

"Baby, wag ka malikot, malapit na" pagpaparinig ni Ky.

"Pareho na kayong baliw ni kuya!" reklamo ko sa kaniya. "Kayo na lang kaya magpakasal!"napapairap kong saad.

"Alam mo sigurong pupunta dito si kuya Charles," dagdag ko pa sa kaniya. Hinuhulaan kung bakit sinadya niyang ilock ang pinto.

Ngumiti siya, "Well, I saw him before I entered this room."

Sabi na eh!

"I actually know that he was lying on a phone call a while ago. I saw Francis enter in a Villena Enterprise on my way here. " nakangiti niyang paliwanag.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo, kailan ba kasi sila magbabati? Gantihan lang sila lagi eh!

"Lori pag di mo 'to binuksan magpapatawag ako ng security at pulis!" banta ni kuya.

"K-Kayden!" pagpapalayo ko sa kaniya para makalabas ako mula sa pagkakakorner niya at makalapit sa pinto pero pinilit niya akong pigilan.

"Konti na lang baby, malapit na!" sigaw ni Ky. Lalo kong nahampas si Ky sa dibdib ngunit sayang-saya lang siya sa pang aasar kay kuya.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon