Special Chapter

16.6K 360 201
                                    

Kylor POV

"Mr. Lopez, maupo ka muna. Ipapasa ko lang 'to sa office." Turo ng guidance counselor sa mga pinasa kong requirements. I nodded, pero nanatili pa rin akong nakatayo.

I'm a 3rd year high school and a transferee student. My dad transferred me here in public school and it's disgusting. Mainit, walang aircon, irritating at ang liit lang ng school. It's feeling like hell!

Pinilit lang akong papasukin dito ni Dad. Gusto niya daw akong matuto. I don't really understand him! May natututunan naman ako from my previous school. I actually have the highest honor.

He also kept saying na pasaway raw ako. Paano ako naging pasaway? I'm just protecting myself. Mabilis mag init ang aking ulo kapag may mayabang sa harap ko. I don't care if it's a guy or a girl but I can fvcking kick and punch them.

Ayoko rin sa lahat ng mahihina ang utak. I swear tatalikuran lang kita. I'm going to show Dad that he was wrong to send me here!

I was busy looking at the paintings on the wall when I heard someone saying words that I really didn't understand. Hindi ko na lamang siya nilingon at pinansin.

"Langit, lupa, ilog, sapa, kamay na nagbabaga, sa pwet tatama!" I froze for a moment when I felt someone's finger poke my ass.

WHAT THE HECK?!

Nagsalubong aking dalawang kilay ng lingunin ko ang babae. "WHO THE HELL ARE YOU?!" I shouted. 

Mukhang nagulat siya at biglang namutla sa aking harapan. Maliit na babae, mga 4'9 lamang ang height niya. Para siyang elementary pero hindi dahil naka uniform siya ng pang high school. Maiksi lamang ang kaniyang buhok at hanggang balikat niya lamang ito.

Dora!

"S-sorry po!" Naiiyak niyang sabi. Nararamdaman ko ang takot niya sa akin. Lumunok siya ng laway, "A-akala ko po kasi ay 'yong k-kuya ko." paliwanag niya.

Napairap ako saka nag iwas ng tingin. Maya-maya lang ay nagtatakbo na siya palabas. Huminga ako ng malalim, ganito ba talaga mga estudyante rito?! Fvck! Ayoko ng tumuloy.

Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at tinawagan si dad. Agad niya rin namang sinagot ang aking tawag. "Daddy."

"Kylor."

"Dad, I don't like here! I wanted to go back from my previous school. Please Dad!" Pakiusap ko.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "No. Dyan ka gagraduate ng Junior high."

Napasapo ako sa aking noo, "Dad!"

"Don't worry, if I see some improvement, you will go back to your previous school, pagdating mo ng Senior High." I sigh. Ang tagal pa.

"Mr. Lopez," Naibaba ko ang tawag ng pumasok muli sa loob ang guidance counsellor. "Students are not allowed to bring phones to school." Napaawang ang bibig ko. "Seriously?"

Tumango ang kausap ko, "Pagbibigyan kita ngayon Mr. Lopez. But the next time you bring your phone, it will be confiscated. Next year na mababalik." I nodded.

"You are G9- Narra. Pangatlong building, 2nd floor. dulong room." She said. Tumango ulit ako bago lumabas ng counsellor's office.

Maraming ng nagsisibabaan na estudyante dahil may flag ceremony. Hindi ko na lamang pinansin ang mga estudyanteng pinagtitinginan ako.

Pagkarating sa dulong classroom ng second floor, 3rd building ay kakaunti na lamang ang tao. Mabuti na lamang at may teacher na. Nakita ko pa sa pintuan ang nakasulat na, 'G9-Narra'

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon