Chapter 17

20.9K 615 164
                                    

Lorelei POV

Nakakarami na kami ng inom kaya naman, nahihilo na ko ng bahagya.

"WHOAHHHH! TARA SA DANCE FLOOR!" sigaw ni Ian, hinawakan niya ang aking palapulsuhan saka hinila papunta sa dance floor. Wala na rin akong nagawa kundi ang magpadala sa kaniya, kaya wala ng natira sa table namin.

Habang nagsasayawan ay biglang naiba ang tugtog sa dance floor, "Yeah, Yeah yeah yeah"  paunang liriko ng kantang 'Hayaan mo sila by Ex Batallion.'

Sabay-sabay kami nina Clarisse na sumabay sa kanta at nagsisigaw sa gitna ng dance floor.

"KALIMUTAN MO NA YAN! SIGE SIGE MAG LIBANG! WAG KANG MAGPAKAHIBANG! DAPAT AY ITAWA LANG! ANG PROBLEMA SA LALAKI DAPAT DI INIINDA!" pag awit naming mga babae habang nagtatatalo't sumasayaw saka nakataas ang mga kamay.

"ANG PROBLEMA SA BABAE DAPAT DI INIINDA!" pakantang singit na sigaw nina Philip at ibang boys habang nakataas rin ang mga kamay na wari mo ay nakikipag kompitensya sa amin.

"HAYAAN MO SILA NA MAGHABOL SAYO DIBA!! SABI KO NAMAN SAYO! LAHAT YAN NAGLOLOKO! PAGKATAPOS KANG PAKINABANGAN BIGLANG LALAYO UWO UWOOH! KAYA WAG NG UULIT PA! KAYA WAG NG UULIT PA!" sabay-sabay naming pasigaw na kanta sa gitna ng dance floor.

Patuloy lang kaming sumasabay sa awitin nang maramdaman kong may lalaking humawak sa aking baywang habang nasa aking likuran. 

Nakikisabay siya sa aking mga galaw habang kumakanta't sumasayaw. Binalewala ko lamang iyon noong una, at pinagpatuloy ang aking ginagawa ngunit hindi nagtagal ay naramdaman ko  na ang init ng kaniyang hininga nang ilapit niya ang bibig sa aking tainga.

Biglang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Binalot ako ng kaba at tila nanginig ang aking mga tuhod dahil sa presensya niya sa aking likuran.

Nang mailapit niya ang labi sa aking tenga ay mahina siyang bumulong, "Lagot ka kay mama."

Natigilan ako sa boses na iyon saka mariin kong nakagat ang aking pang ibabang labi, "K-kuya?"

Mabilis kong kinalas ang kamay ni kuya sa bewang ko saka agad na humarap sa kanya, "Kuya?" kinakabahan kong tawag sa kaniya. 

"Ganda ng birthdeyan ah." nakangiting pagpaparinig ni kuya habang nililibot ng mata ang kabuuan ng bar. 

"Pano mo nalaman?" natatakot kong tanong. Baka isumbong ako kay mama.

"Sinabi sakin ni mama." maiksi niyang sagot saka tumingin sa akin ng diretso sa mata. 

"Sinong may birthday?" nakapamayawang na tanong ni kuya. 

"A-ah a-ano si a-ano" nagiisip kong dahilan. 

'Mag isip ka self!

"Sino?" paguulit ni kuya habang nakataas ang isa kilay.

"S-si a-ano s-si Philip!" pagpapalusot ko. 

"T-tama si Philip!" dagdag ko pa.

 "Nasan si Philip?" tanong ulit ni kuya kaya napakamot ako sa aking batok. 

'Patay' 

'Lagot!' 

Nagkunwari akong naghahanap saka inilibot ng aking mga mata ang loob ng bar. Kunwari ay hinahanap si Philip. Nakakagat ko na rin ang aking pang ibabang labi.

"K-kasama lang namin sya kanina eh! Nawala na!" pagpapalusot ko ulit. 

"Ok puntahan ko nalang sya." sagot ni kuya sabay talikod sa akin. 

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon