Chapter 21

21.2K 741 252
                                    

Ky text message

10:36am

[Hi! Good morning]

[Wife]

[How are you feeling today?]

[Don't forget to drink water.]

11:00 am

[Hey!]

{Still sleeping?]

2:44 pm

[Wife..]

[Don't forget to eat lunch]

[Drink water!]

Kasalukuyan akong kumakain ng mabasa ko ang sunod-sunod na text mula kay Kayden kaya agad akong nabulunan ng mabasa ang pinag tetetext niya.

Buti na lamang ay saktong pasok rin ni kuya sa kusina, "kuya! Tubig!" sigaw ko. Nagtalsikan din sa lamesa yung ibang pagkain na nanggaling sa bibig ko.

Mabuti na lamang ay mabilis akong ipinagsalin ni kuya ng tubig na sya ko agad ininom.

"Hoy panget ang dugyot!" reklamo niya. Hindi ko pinansin si kuya at muling tumingin sa screen ng cellphone ko. 

'Anong wife ang pinagsasasabi ng lalaking 'to?'

'Akala niya siguro ay bati na kami!'

[Hoy! Anong wife pinagsasasabi mo jan!]

[BTW, walang nangyari kagabi.]

[Why darling? May dapat bang mangyari?]

Para kong masusuka nang muli kong mabasa ang text niya. Kanina wife, ngayon naman ay may pa darling na siya!

CORNYYYY!!

[Yung ano kasi, basta kalimutan mo na yon.]

Ang gulo ko kausap diba? AHHAHA

[It's okay darling, basta sakin ka lang maghuhubad.]

THE HELL?!

SHVTA!

NAKAKAHIYA!

[Hoy! Napaka ano mo! Block kita jan eh!]

[Don't do it again in front of a guy, except for me, okay?]

[Hoy! KAYDEN LOPEZ WAG KANG ANO JAN!]

[Yes, Lorelei Sandoval Lopez?]

Pakiramdam ko tuloy ay biglang nangamatis ang aking mga pisngi ng mabasa ang aking pangalan na may apelyido niya.

SHVTA! BAT KINIKILIG AKO!

Basta galit ako sa kaniya! Kailangan kong magpa hard to get muna!

***

"Excuse po kay Ms. Lorelei." narinig kong tawag mula sa labas ng classroom namin. Alam ko rin na kay Kevin na boses iyon. 

"Presi tawag ka!" sigaw ni Philip sa akin nakapapasok lamang ng pinto.

Sinilip ko naman mula sa malayo kung sino yung nasa pinto. Hindi nga ako nagkakamali, si Kevin nga.

Mabuti na lamang ay vacant kami ngayon baka kasi mang gugulo lang yan.

Ano kayang problema ng lalaking ito?

Tinatamad akong tumayo saka lumapit kay Kevin. Nang makalapit ako, ay doon ko palang napagtanto na kasama niya pala si Christian.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon