Chapter 15

21.5K 665 76
                                    

Lorelei POV

Malakas kaming nagtatawanan habang papalabas ng campus nang dahil sa pagpapatawa ni Philip, ngunit nasa malayo pa lang kami ay napansin ko kaagad si Kayden na diretsong nakatingin sa akin. Kasama niya sina Austin, Kevin at Christian.

Kaya bigla akong natahimik at pineke ang pagtawa sa harap ng aking mga kaklase.

Uwian na kami ngayon kaya sinugod ng mga kaklase ko kanina si Philip dahil tuloy pa rin daw ang inuman. Ngunit sa pagkakaalam ko ay hanggang 8pm pa ang pasok ng mga taga Law Department.

Napatingin ako sa aking relo, it's 5:30pm

Nakatungo lamang ako habang naglalakad dahil alam kong makakasalubong ko sila, at walang ibang daan para maiwasan ko ang mga ito.

Ramdam ko ang walang emosyon niyang mga tingin sa akin, at masakit iyon dahil alam ko naman talaga na wala siyang pakialam sa akin.

Ako lang yung umasa.

Ako lang yung nag assume.

"Uy men si Lori oh!" turo ni Austin sa akin, agad akong napakagat sa aking pang ibabang labi. Natigil sa pagtatawanan sina Clarisse.

Bigla akong kinabahan ng magtama ang katawan namin ni Kayden. Biglang sinakop ng kaniyang isang braso ang aking baywang dahil muntikan na akong matumba nangg itulak ni Austin si Kayden papunta sa akin.

Parehas nanlaki ang aming mga mata ng dahil sa nangyari at agad akong umayos ng tayo. Sobrang bilis ng tibok ng aking dibdib.

Lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ng muling akong tumingin kay Kayden. Halatang wala itong pakialam sa akin. Gusto ko siyang hampasin pero pakiramdam ko ay wala akong karapatan.

Parang paulit-ulit sinasaksak ang puso ko.
Mahigpit na hinawakan ni Clarisse ang ang aking kamay at hinila paalis, "Tara na Lori." mariin niyang saad.

Hindi pa ako nakakalayo sa kaniya ng bigla kong marinig ang kaniyang malamig at walang emosyong boses, "Lori, I'm sorry." saad niya.

Natigilan ako habang nakatalikod sa kaniya. Parang lalong bumilis ang tibok ng aking dibdib. Nanlamig ang mga kamay ko ng dahil sa kaba.

"O-okay lang" mahina at nautal kong sagot sa kaniya. Humarap ako sa kaniya na nakatingin na pala sa akin. Pilit akong ngumiti at tumango saka muling tumalikod.

Lori, wag kang rurupok.

"I 'am really sorry Lori," saad niya ulit.

"Okay nga lang!" sagot ko pero hindi humaharap sa kaniya. "Ayos lang, ano ka ba? AHHA" dagdag ko pa at pekeng natawa. Ang sakit palang magkunwari haha.

"Oh! Wag pakatitigan." biglang sarkastikong singit ni Ian na nagpaparinig.

"Tara na," walang emosyon kong pagyayaya sa mga kaibigan ko. Aalis na sana ulit ako ng muli niya akong tawagin.

"Lori."

Ano ba talagang problema niya?!

"Men una na kami ha." sabi ni Kev, Austin, at Christian saka tinapik ang balikat ni Kayden bago sila lumayo.

"Kayden, kailangan ko ng umalis." nakatungo kong saad, pinipilit iwasan ang mga mata niya saka muli siyang tinalikuran at nagsimula ng maglakad ngunit agad niyang nahawakan ang aking palapulsuhan.

Lalong bumilis ang dibdib ko.

"I'm sorry Lori," saad niya muli. Kung kanina ay walang emosyon ang kaniyang boses ngunit ngayon ay ramdam ko na ang kaniyang pagiging sinsero.

"Ehem" pagtikhim ni Jenny habang nakatingin sa nakahawak na kamay ni Kayden kaya't agad niyang binitawan ang aking palapulsuhan.

Sinenyasan ko ang aking mga kasama na hintayin na lamang ako sa labas ng campus na siya rin naman nilang ginawa at sabay-sabay na nag alisan palayo sa amin.

Huminga ako ng malalim bago hinarap si Kayden. "Kayden, sorry din. Pangako, hindi na kita kukulitin pa, hindi na kita itetext, buburahin ko na rin ang number mo sa akin at iaunfollow na rin kita sa twitter." sunod-sunod kong saad. 

Pinipilit iwasang magputol-putol ang aking sasabihin at muli siyang tinalikuran ngunit agad akong natigilan ng bigla niya na lamang akong niyakap patalikod. Nakapatong ang baba nito sa aking balikat.

Parang tumigil ang aking pag hinga ng dahil sa pagkabigla.

"I'm sorry." pag uulit niya. Napapikit ako, kasabay ng malalim na paghinga saka tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa aking baywang.

Gusto ko ng maging matalino, kahit sa pagkakataon lang na ito.

"Lori." tawag niya. Humarap ako sa kaniya, ayoko ng masaktan.

"Okay na nga diba Ky? Ano pa bang gusto mo?" sarkastiko kong saad sa kaniya. Pinipigilang maiyak.

"No, it's not" mahina niyang saad. Para akong nakokonsensya pero kailangan kong tatagan ang loob ko.

"Ano ba talagang gusto mo Ky? Nagsosorry ka, tinanggap ko. Ano pa bang gusto mo?!" hindi ko na mapigilan ang mapagtaasan siya ng boses.

"Sorry." pag-uulit na naman niya kaya peke aako natawa at napasinghal.

"Oh! Sorry saan? Sa mga sinabi mo sakin sa text? Di mo naman kailangang mag sorry, kasi totoo naman na makulit ako! Totoo namang annoying ako! Totoo naman na hindi mo ko gusto. Tumigil na nga ako diba?! At oo nga pala salamat, ng dahil sayo nakita ko na kailangan ko rin palang pahalagahan yung sarili ko, na deserve ko rin naman palang mahalin, na hindi ko na kailangan ipilit pa yung sarili ko sa taong hindi ako gusto! Kaya pwede ba? Hayaan mo naman akong maka move on sayo! Tumigil na nga diba? O ano pa bang gusto mo? nilayuan na kita. I stop texting you. Siguro masyado lang talaga akong naging illusyunada, sorry ha? pero wag kang mag alala di na naman kita kinukulit at di na kita kukulitan pa. I'm starting to distance myself from you!" Hindi ko napigilan pa ang sarili ko kaya naiyak na lamang ako sa harapan niya.

Ayokong umiiyak sa harap ng maraming tao, pero sa pagkakataong 'to sobrang bigat na ng nararamdaman ko! Gusto kong mailabas lahat ng nasa loob ko.

"Kaya ano pa?! Ano pa?! Ano pa bang gusto mo?! Pag pahingahin mo naman ako! Kasi nakakapagod maghabol sa taong di ka gusto!" naiiyak ko pang dagdag sa kaniya.

Hindi siya umimik, pero kita ko sa kaniyang mga mata na nasasaktan din siya. O baka assuming na naman ako.

"ANO?! Kasi kung wala kang sasabihin aalis na ko! May kailangan ka pa --?" 

"Oo, Ikaw" pagputol niya sa sasabihin ko. Natigilan ako sa sinabi niya.

Nasasabi niya lang yan dahil naaawa siya sa akin. Hindi niya ko kailangang kaawaan! Hindi ko kailangan ang awa niya!

"Ano pa bang kailangan mo?! Tinigilan na nga kita diba? Ano pang gusto mo?! Kasi nakakasawa na!" nanghihina kong saad.

"Lori," mahina niyang tawag. Hindi ako umimik.

"Hindi ako yung nagtext sayo." saad niya. Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at napasinghal.

Pinaglololoko niya ba ako? Hindi niya ko madadaan sa mga palusot niya.

"I don't mean it." Mukhang napansin niyang hindi ako naniniwala.

So parang inamin niya na rin na siya talaga 'yon? Parang paulit-ulit pa ring sinasaksak yung dibdib ko. Gusto ko na lang mamanhid yung mga sakit na iyon.

"Pati ba yung hindi mo ko gusto, you don't mean it?" tanong ko sa kaniya. Nanatili siyang tahimik at hindi makaimik.

Alam ko na ang sagot, kahit hindi mo sabihin.

"Aalis na 'ko, marami pa 'kong kailangan gawin Ky." mahina kong saad at mabilis na tinalikuran siya.

Tanggap ko. Tatanggapin ko at kailangang tanggapin ko.

Thanks for reading! Don't forget to vote!

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon