Chapter 46

18.6K 502 72
                                    

Clarisse POV

" I can't wait to spend the rest of my life with you, baby. Can you be my Mrs. Lopez?"

Lahat ng aming mga mata ay nakatingin sa dalawa. Nakaluhod si Kayden habang hawak-hawak ang box na naglalaman ng singsing samantalang nakatakip ang mga palad ni Lori sa bibig at paulit-ulit na tumango sa harap ni Ky. 

"I'd love to be your Mrs. Lopez, Kayden." Naluluha niyang sagot. 

Malawak na ngumiti si Ky at isinuot ang singsing kay Lori, pagkatapos ay naluluhang tumayo at mahigpit nilang niyakap ang isa't-isa. 

"I love you baby," mahinang sabi ni Ky sa tenga ni Lori, ngunit narinig ko pa rin 'yon. 

Nang kumalas sila sa pagkakayakap ay nakapikit na hinalikan ni Ky ang noo ng kaibigan ko.

Saksi ako sa pagmamahalan ng dalawa, nakakatuwa na sa kabila ng kanilang pinagdaanan heto sila at ikakasal na. Nakakatuwa rin na pagkatapos ng napakaraming taon nagawa nilang hintayin ang isa't isa. 

Parang kahapon lang no'ng nagpapapansin si Lori kay Kayden, nagawa niya pa noong makasigaw ng Republic Act sa Mc do.  

Lihim akong napangiti habang inaalala ang nakaraan lalo na no'ng nakapagtago kami ni Lori sa CR ng men magkapagtago lang sa kanila pero sa huli nakita rin nila kami.

"Sa tinagal-tagal ng posisyon sa anakan din ang tuloy! Whoahhh!" sigaw ni Jenny. 

Anong posisyon ang pinagsasasabi ng babaeng 'to? Taka siyang tiningnan ni Lori samantalang ako ay malakas na napatawa sa sinabi ni Jenny maging ang mga kaibigan namin.

Habang nagkakasiyahan sila ay sinubukan ko munang lumayo, nagpa lakad-lakad ako sa tabi ng pool habang hinihimas ang tiyan ko. 

Ayaw kong tawaging pagkakamali ang magiging anak ko, gusto ko mang pag sisihan ang nangyari sa amin pero hindi ko magawa dahil unang-una ginusto ko rin naman ang nangyari sa aming dalawa. Napahinga ako ng malalim habang nag mumuni-muni.

Umupo ako sa tabi ng pool at pinaglaruan ng aking mga paa ang tubig saka tumingin sa mga nagkikislapang bituin. Alam ko namang walang nararamdaman para sa akin si Charles kaya hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa kaniya.

Gusto kong lumayo at palakihin mag-isa ang magiging anak ko. Gusto kong umalis pagkatapos ng kasal ni Lori. 

Matapos ng ilang minuto kong pagmumuni ay tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo ngunit lalakad na sana ako palayo ng hindi sinasadyang madulas ako.

Buong akala ko ay malalaglag ako sa pool subalit ganoon na lamang ang bilis ng tibok sa dibdib ko ng aking maramdamang may sumalo ng aking baywang. 

Napa kurap-kurap ako ng magtama ang mata naming dalawa. Makapigil hininga akong kumalas sa kaniya. 

"S-salamat," kinabahan kong sabi  bago talikuran si Charles.

"Be careful next time." Natigil ako sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod. Marahan akong tumango at lumakad palayo sa kaniya saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag.

Lalapit sana ako patungo kina Jenny na nasa kabilang pool at nagkakasiyahan ngunit agad ding lumibot ang aking tingin ng makita kung ano ang mga madadaanan ko. 

Si Lori at Kayden na nakaupo sa kabilang side ng pool, masaya silang nagpipicture habang magkahawak ang kamay.

Lumipat ang aking tingin kay Kevin at Valerie na naglalangoy na sa pool at magkayakap. 

Napailing na lamang ako, lalakad na sana ako ngunit muli na naman akong natigilan ng makita ko si Jenny na kalandian si Austin. 

Samantalang si Christian ay may kalandiang ding babae na kasama niyang pumunta dito sa Batangas kanina. Tapos si Ian may kausap ng macho, hindi ko alam kung nilalandi niya ba 'yon o ano.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon