Chapter 47

21.4K 553 69
                                    

Lorelei POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lorelei POV

Hindi maalis ang aking ngiti at tingin kay Kayden habang naglalakad sa aisle ng simbahan. Lalo akong napangiti ng mapansin kong tulala siya sa akin at nakaawang ng bahagya ang bibig.

Nagagandahan na naman siya sa 'kin! Paano ko ba babawasan ang pagiging maganda? Natural na kasi sakin 'to eh.

Kahit ikakasal na kami ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamula ng dahil sa kilig. Masarap pala sa pakiramdam ang ikasal sa tamang tao.

Hinalikan pa ni kuya ang aking noo at niyakap ako ni mama bago ako ibigay kay Kayden. Naalala ko na naman si kuya. Nauna pa pala akong ikasal kaysa sa kaniya! 

"You look so beautiful in white baby," bulong niya nang mahawakan ang aking kamay at isinabit sa kaniyang braso. Parang nanindik ang aking balahibo ng dahil sa ganda ng kaniyang pagkakabulong.

Ito ang simula na ng buhay namin kung saan gigising ako na siya ang katabi. Mayayakap ko na siya araw-araw at gabi-gabi. Gabi-gabi rin kaya kaming mag aano... never mind!

"The night I saw you from the mall, I didn't expect that you were the one that I would take here to the altar. God knows how happy I am to be your husband." Hinawakan niya ang aking dalawang kamay. "I said before that I couldn't imagine my life with you, but now I can't imagine my life without you, baby." 

Nararamdaman ko na ang pagpipigil niyang lumuha. "I love law compared to anything else. I love law over you, but it changed because I couldn't resist you baby." Peke siyang natawa, "I love law, but now it's finally replaced to I love you Lorelei Sandoval."

Iba talaga ang ganda ng isang Sandoval!

"In the name of God, I, Kayden Lopez, take you to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow." Malawak niya akong nginitian saka isinuot sa akin ang singsing.

Tiningnan ko muna ang aking daliri na may singsing saka ngumiti at huminga ng malalim, "The first time I saw you, noong inihatid mo 'ko sa bahay kasi na wrong sent ako sa number mo." Nakagat ko ang pang ibabang labi nang maalala kung paano kami nagkakilala. 

"Alam ko namang nagandahan ka na agad sa akin kaya hindi mo na ako pinakawalan pa." Natawa ako ng bahagya at narinig ko ang mahinang tawanan sa loob ng simbahan. 

Totoo naman kasi na maganda 'ko! "Saan ka pa ba makakakita ng ganitong mukha na kaaadikan mo araw-araw? Wala na, dahil wala akong katulad sa mundong 'to." Natawa siya sa sinabi ko. Ayokong magsinungaling, nasa harap kami ng Altar.

"Atty Lopez," seryoso kong tawag. Nakangiti lang siya habang nakatitig sa akin. 

"Hmm?" sagot niya, naghihintay ng sasabihin ko. 

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon