Chapter 19

22K 650 84
                                    

"Di ba wala ka namang pake? Ano pang dahilan para kausapin kita?" sarkastiko kong saad na nakapagpatigil sa lahat ng mga nasa table namin.

Seryoso lang na nakatingin sa akin ang mga mata ni Kayden.

"Bakit? Sinasabi mo ba na hindi ikaw ang nagtext non?" sarkastiko akong natawa. "Talaga lang huh?"

"Atsaka anong what if what if? Wala ka namang gusto sakin diba?" dire-diretso kong tanong sa kaniya. 

"Lori" mahina niyang tawag.

"Totoo naman diba? Ano pa nga bang dahilan para pakinggan kita? Malinaw naman na sakin ang lahat eh." Hindi mo na kailangang ipamukha.

"Atsaka, ano bang problema mo? Tinigilan na nga kita diba?" saad ko. "Para kang kabute, bigla na lang sumusulpot" bulong ko ngunit sapat para marinig niya.

"I don't even know that you're here," mahina niyang saad habang nagsasalin ng inumin sa baso.

"Oh? Kasalanan ko ba kung ayaw na kitang makita?" mapakla kong tanong.

"I'm just stating the possible facts -- fvck you" mabilis kong sagot sa mahina niyang sinasambit. Iinumin niya na sana ang nasa baso niyang inumin ngunit agad siyang natigilan sa sinabi ko.

"Stop it guys! You don't inform me na magkakilala pala kayo" nakangiting saad ni Francis, sinusubukang alisin ang masamang atmosphere sa paligid namin.

"Hindi" saad ko

"Yes" saad ni Kayden.

Magkasabay ngunit magkaibang sagot namin ni Kayden. Mabilis na ininom ni Kayden ang alak na nasa baso niya saka huminga ng malalim bago muling nagsalita, "Lori, I'm sorry."

"Gusto ko lang na maging malapit ulit sayo" ani niya pa.

"Kailan ba tayo naging magkalapit?" balik na tanong ko sa kaniya. "Excuse me, CR lang ako." seryoso ko pamamaalam saka mabilis na tumayo at umalis doon.

Nang makarating sa CR ay agad kong hinilamusan ang buong mukha ko saka napatitig sa salamin. Muli akong napahilamos ng may lumabas na luha mula sa mga mata ko.

Napaka iyakin ko talaga kahit kailan!

Napakababaw ng mga luha ko!

Napapapikit akong nagpakawala ng malalim na hininga saka muling iniayos ang sarili ko bago lumabas ng CR ngunit pagkalabas-labas ko ng CR ay imahe agad ni Kayden ang aking nakita.

"Lori" tawag niya sa mahinahon ngunit may pagkabaritonong boses.

Hindi ka pwedeng maging marupok Lori. Pahirapan mo muna siyang suyuin ka.

Agad akong mabilis na nakatakbo pabalik sa loob ng CR kaya mabilis din siyang nakalapit, sasaraduhan ko na sana ang CR ng bigla niya iyong pigilan. 

Pinipilit kong isara ang pinto habang siya ay pinipilit niya namang pigilang magsara iyon.

"Hoy! Bawal dito ang lalaki!" sigaw ko sa kaniya habang pinipilit isara ang pinto. "Hindi mo ba nababasa ang sign board?" sarkastiko kong saad.

"Pero sa CR ng men nakapagtago ka?" aniya. Tinutukoy ay yung nahuli nila kami ni Clarisse sa CR ng men doon sa Law department.

Matagal na yon!

Sa huli ay ako pa rin ang natalo at matagumpay siyang nakapasok sa loob saka isinara ang pinto ng CR, agad na nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang pag lock noon.

"H-hoy? A-anong gagawin mo sakin?" kinakabahan kong saad saka tinakpan ng dalawang mga braso ang aking dibdib.

"Why? What do you want me to do?" tanong niya.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon