Chapter 13

21.1K 588 51
                                    

Clara @yourmariaclara
Pampalipas oras. Hindi siya pumapatol sa lower class.

Kev @kevincruz 

Hayop! Di talaga titigil.

Austin @tindelavega 
Assuming ampt.

Christian @rosaleschrstn 
Popcorn kayo guys hahahha

Kayden POV

"Ky ano bang problema ng ex mo?!" seryosong tanong ni Kevin. Ngayon ko lang siya ulit nakita na ganito kaseryoso.

"Why?" nangunot noo kong tanong sa kanya.

"Men paprangkahin na kita. Mahal mo pa ba si Clara?" seryoso ding tanong ni Austin.

'Mahal ko pa nga ba?'

Hindi ko na sya madalas maisip at parang wala na lang ang lahat sa akin.

Parang di na rin ako affected at sa tingin ko ay wala na akong nararamdaman sa kanya.

"I don't think so, but I have this feeling that I've already moved on." pagpapakatotoo ko.

"AYON! Buti naman!" Nakahinga ng maluwag si Kevin.

"W-why?" naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Hindi mo pa ba nakikita yung bagong post ni Clara sa twitter?" nagtatakang tanong ni Austin.

"I already unfollowed her on twitter." seryoso kong sagot. Nangangapa ng magiging sagot nila.

Huminga ng malalim si Austin, "good for you." maikli niyang sagot niya.

What's with her post? Naguguluhan kong isipin.

"Ano bang tweet niya?" paguusisa ko.

"Pinapalabas nyang pampalipas oras mo daw si Lori!" asik ni Kevin.

"W-what?" nagugulat kong tanong. Naninigurado kung tama ba ang aking narinig.

"Nag post sya ng 'Pampalipas oras. Hindi siya pumapatol sa lower class.' " pakukwento ni Austin. Napahinga ako ng malalim, bakit niya naman kaya gagawin iyon?

"Don't tell me na pinatulan nyo pa?" tanong ko. Natahimik silang tatlo, agad na tumalikod si Kevin.
"Pinatulan nyo?" I asked.  I never removed my gaze from them ngunit nanatili silang tahimik.

"Tama na 'yang issue na 'yan!" pananaway ni Christian saka biglang ngumiti, "Oh pop corn kayo jan hahah" natatawa niyang pag aalok.

Nagawa niya pang makabili ng pop corn sa labas.

"Men seryoso, ang assuming ng ex mo! HAHAH" natatawang saad ni Austin.

"Kagabi ka pa sa popcorn na yan!" ani ni Kevin na nakikitawa na rin.

"Ayaw nyong magpaawat eh" natatawang saad ni Christian, "sa twitter pa kayo mag babardagulan HAHAHA"

"Naghanda pa naman ako ng popcorn habang nagbabasa sa twitter" natatawang pagkukwento ni Christian habang sumusubo ng popcorn. Napapailing na lamang ako.

"Hayop hahahhaha" pagtawa ni Kevin at nakikuha na rin ng n pop corn na hawak ni Christian.

Lorelei POV

Maagang natapos ang aming klase kaya napagdesisyunan namin nina Clarise, Jenny Rose at Ian na kumain muna bago umuwi.

"Hoy! gaga!" tawag ni Ian na may paghampas sa aking balikat. Nag angat ako ng tingin sa kaniya ngunit sa iba siya nakatingin, "si Kayden." bulong niya, sapat para marinig naming tatlo.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon