Chapter 38

18.8K 611 333
                                    

Kayden Lopez: Hi miss.

Hala! Shet! Gusto kong mangisay, ngayon na!

Mabilis akong umupo sa ibabaw ng kama. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi.

Kinuha ko ang aking napakalambot na unan at mariing isinubsob doon ang aking mukha, matapos ay mahigpit kong niyakap ang unan.

Ngayon lang ulit ako kinilig ng ganito!

Tanging si Attorney lang talaga ang magpapakilig sa akin.

Kayden Lopez: Sayang ang puso mo miss.

Message niya ulit. Shet! Babanat ba siya? Ang puso ko!

Lorelei Sandoval: Why?

Hindi mawala ang ngiti sa akin habang nirereplyan siya, pakiramdam ko ay mahihimatay na 'ko sa kilig!

Kayden Lopez: Kung walang nararamdaman sakin.

Okay na, kahit medyo corny! Atleast nagtry. HAHAHA

Kayden Lopez: Sayang din ang napakaganda mong mga mata, miss.

Mariin kong nakagat ang aking pang ibabang labi. 'Yan yung dapat kong ibabanat sa kaniya noon.'

Lorelei Sandoval: Why?

Kayden Lopez: Kung walang pagtingin sa 'kin.

Kayden Lopez: Sayang ang napakaganda mong apelyido miss.

Lorelei Sandoval: Why?

Kayden Lopez: Kung di mapapalitan ng apelyido ko.

Shet! Malakas kong naihampas ang hawak kong unan sa kama.

Paano pakalmahin ang puso?

Kayden Lopez: In short sayang ang buhay mo miss.

Lorelei Sandoval: Why Atty. Lopez?

Kayden Lopez: Kung walang Kayden Lopez na makakasama mo sa pagtanda.

Corny!

Ganyan na ba siya manligaw? Effective!

Ngiting ngiti na ako ng bigla kong naitikom ang aking bibig dahil biglang pumasok si kuya sa kwarto.

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi para iwasan ang pag ngiti. Hindi pwedeng malaman ni Kuya. 

Hindi ako makamove on sa mga banat niya!

"Pinapatawag ka na ni Lola sa baba, Lori" aniya.

"Sige kuya!" nakangiti kong sagot. Taka niya akong tiningnan, "Susunod na ko," dagdag ko.

Tumango na lamang siya saka muling umalis. Muli akong malawak na napangiti ng makaalis na siya saka  pinaghahampas ang unan sa kama ng dahil sa kilig.

"Kasalan mo 'to attorney! Pinakilig mo ko!" mahina kong tili.

***

"On behalf of Air Asia Philippine Airline and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day."

Nasa Pilipinas na 'ko!

Nauna na sina kuyang dumating dito sa Pilipinas kasama si mama dahil nagkaroon sila ng emergency meeting sa kumpanya.

Hindi na rin ako nagpahatid pa sa private plane nina lola dahil gusto kong maranasang maka biyahe ng mag isa.

Hindi ko na din sinabi kay Clarisse ang eksaktong dating ko dito sa Pilipinas.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon