Chapter 35

17.5K 556 250
                                    

"Ano pong masasabi niyo sa kumakalat na balita tungkol sa kapatid niyo?"

"Makakaapekto po ba ito sa Sandoval Company?"

"Totoo po ba ang balita tungkol sa kapatid niyo?"

Sunod-sunod na tanong ng mga reporter kay Kuya. Nasa harap sila lahat ng napakataas na gusali ng Sandoval Enterprise.

"Hindi po totoo lahat ng balita tungkol sa kapatid ko," maikling sagot ni kuya habang bumababa ng sasakyan.

"Kung hindi po iyon totoo, ano po yung kumakalat na video ng kapatid niyo?" paguusisa pa ng mga reporter.

Pinadelete na ni kuya lahat ng aking video at litrato ngunit may ilan pa rin ang may kopya ng mga ito.

Hindi sila sinagot ni kuya at tuloy tuloy lang na pumasok si kuya sa loob ng gusali habang pinapaligiran ito ng napakaraming body guards.

Yan ang huling napanood kong video mula sa internet bago ako pumunta ng Australia.

Hindi ko na inactivate pa lahat ng aking social media accounts at nagpalit na rin ako ng cellphone number. Tanging pamilya ko lamang ang may contact sa akin.

Dito ko pinaghilom at mas iniayos ang aking sarili sa Australia. Mas pinagbuti ko ang aking pag-aaral, minsan ay binibisita rin ako ni kuya at ni mama dito.

Higit sa lahat mas lumago ako at natutunan kong pahalagahan ang aking sarili.

Sa loob ng 8 years ay isa na akong ganap na Accountant. I  graduated BSA, Cumlaude in University of Melbourne.

I have already passed my board exams and all I can say now is that I am a CPA and CMA licensed.

Hindi lang yan, dahil isa na rin akong CPA and CMA Lawyer.

Matapos kong makapasa ng board exam ay nagaral ako ng Law sa Melbourne, sobrang hirap pero nagawa at nakaya ko hanggang sa makagraduate ako.

"I'm so proud of you baby," naiiyak na saad ni mama matapos ang graduation ko sa Law.

"Mama, hindi na ko baby," pag angal ko pero natawa lang siya sa akin, "Ikaw pa rin ang baby ko kahit tumanda ka na" tumatawang saad ni mama at niyakap ako. "I know that your dad is so proud of you." aniya at sabay kaming tumingin sa langit.

Ang sarap pala sa pakiramdam na natupad mo na lahat ng mga pangarap mo.

"Babalik ka na ba sa Pilipinas?" tanong ni mama at masaya akong tumango.

I already miss the Philippines! Miss ko na rin ang mga kaibigan ko, siguro magaganda na ang trabaho nila ngayon?

Saan kaya sila nagwowork?

Miss ko na din siya. May girlfriend na kaya si Ky?

Kahit nandito na ako sa Australia ay hindi sumagi sa isip ko ang palitan siya dahil may balak pa rin naman akong magpakita sa kaniya.

Pero sana sa pagbabalik ko, tama na ang panahon para sa aming dalawa. Sana din ay single pa siya!

"Kuya, may contact ka ba ni Clarisse?" tanong ko sa kaniya. Nandito na kami ngayon sa bahay ni Lola. Nagpahanda ng marami si Lola para icelebrate ang pag graduate ko.

Umiling si kuya, "Babalik ka na ba sa Pilipinas?" paguusisa niya at nakangiti akong tumango sa kaniya.

Tumango si kuya saka ngumiti, "Ayos yan, miss na miss ka na rin siguro ng mga kaibigan mo" aniya bago sumubo ng pagkain.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon