Chapter 2

33K 912 374
                                    

Revised. 

Facebook, Instagram at Twitter. Na-stalk ko na siya sa lahat ng 'yan. Nag-add friend na 'ko sa FB niya, nag-follow na rin ako pati sa Instagram at Twitter niya.

Marami siyang followers sa Twitter at Ig. pero wala man lang siyang post kahit isa.

'Yong facebook account naman niya ay punong-puno ng mga tags ng kung sino-sino. Wala rin akong makitang picture niya sa facebook.

Wala siyang profile picture. Kaya ko lang nalaman na account niya 'to dahil mutual friends namin si kuya Charles.

Inactive siya sa lahat ng social media accounts niya. Seriously? May ganitong tao.

Buti na lang 'yong IG at Twitter niya may profile picture. Parehas nakatalikod nga lang.

May pumasok naman sa isip ko na kalokohan kaya naisipan kong magpost sa twitter. 

Hindi naman siguro niya mababasa kung magpaparinig ako. 

Wala sa sarili akong napangiti. 

L O R E @loriiiii  

Ang pogi no'ng driver ko, woahhh anakan mo na ko @kydn.

Hindi siya gumagamit ng Twitter kaya okay lang na i-mention ko siya. Sure akong hindi niya malalaman ito. 

Matapos ay ibinaba ko muna ang phone saka humiga sa kama. Mayamaya lang ay napansin ko na ang sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone kaya bumangon na ako para abutin ulit ito saka muling bumalik sa pagkakahiga.

Nang buksan ko ang aking cellphone ay agad na kumalabog sa bilis ang aking dibdib.

Nanlaki ang aking mga mata at bigla kong naipatak ang cellphone sa aking mukha ng dahil sa gulat.

Puta ang sakit! 

Mabilis kong kinuha ulit ang cellphone saka naupo. Binuksan ko agad ang Twitter at sunod-sunod ang aking naging paglunok.

P-Paano nangyari?! Ang dami at sunod-sunod ang nagfa-follow sa twitter ko. Marami na naman sadya akong followers pero wala naman silang paki sa akin. Ngayon lang nangyari 'to. 

150 comments, 200 retweets, and 500 likes plus still counting!!

Manginig-nginig kong tiningnan ang mga comments sa post ko. 

Gano'n na lang ang kaba sa aking dibdib habang nagbabasa ngunit mayamaya lang ay bigla na rin akong natawa nang mabasa ang comment ng mga kaibigan ko.

Rise @risinggi 
'Oy! Ang kalat! Anong kagagahan 'yan, ha? Sinong kydn 'yannn!!!' 

R O S A S @jnnyros 
'Ahahhaha, tapang!!!'

Cha @chrls 
'Susumbong kita kay mama!'

Panira si kuya Charles!

Hindi na ako nag-reply pa sa mga comment nila at tinuluyan ko ng i-block si kuya sa Twitter. 


Bahagya akong nagising nang may hangin akong naramdaman na lumalapat sa ilong ko. Nanatiling pikit ang aking mga mata saka dumapa sa kama. 

Isinubsob ko ang aking mukha sa unan ngunit mayamaya lang ay may naramdaman akong kamay na humawak sa aking braso.

Itinihaya niya 'ko bago ko muling naramdaman ang malamig na hangin na lumalapat sa balat ng  ilong ko.

Nang idilat ko ang aking mga mata ay bigla akong umisod palayo at napasigaw ng, "mama!!!" nang makita kong hinihipan ni kuya ang ilong ko at parang pinapa-amoy sa 'kin ang hininga niya. "Si kuya!!! Kadiri!!! Pinapa-amoy sa 'kin ang hininga niya!!"

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon