Chapter 11

22.9K 728 334
                                    

DebateLorelei POV

Karamihan sa mga estudyante ay nandidito na ngayon sa harap ng stage upang manood sa gaganaping debate.

Hindi lahat ng estudyante ay maaring manood dahil merong iba na may klase, maliban na lamang kung pahintulutan ito ng kanilang proffesor.

Mabuti na nga lamang at mamaya pa ang aking klase kaya mapapanood ko pa ang laban ni Ky.

Kitang-kita ng aking mga mata kung gaano kabusy ang mga taga law department ng dahil sa magiging programa nang biglang lumapit sa akin si Kevin.

"Pst Lori" kalabit ni Kevin.

"Oy! Pasabi kay Kayden goodluck," nakangiti kong saad.

"May pinapasabi si master" bulong ni Kevin habang nakangiti, tinaasan ko siya ng isang kilay.

Seryoso? Parang imposible naman.

"Ano?" tanong ko.

"Cheer mo daw sya" saad ni Kevin at tinaasan ako ng dalawang kilay.

"E i chicheer ko naman talaga sya" sagot ko.

"Ganito daw gusto nya para ganahan sya" ani niya at biglang kumanta.

"kinikeligs keligs keligs, kinikeligs keligs keligs oohhh" Pagkanta ni kevin.

"Para kang tanga hhahaha umuungol ka ba?" natatawa kong tanong sa kaniya. Ang panget ng boses niya!

"Bahala ka! Ganon pa naman ang gusto ni Master" pagtatampo niya at nagiwas ng tingin.

"Sira! HAHHA Di ako naniniwala" natatawa kong pagtutol kay Kevin.

Parang imposible namang magpakanta ng ganon si Kayden.

Muli siya nagbabang tingin sa akin, "Akala ko ba gagawin mo lahat ng gusto ko?" nakangiting niyang pagpapaalala.

Oo nga pala!

"Ang panget naman kasi ng pinapagawa mo! HAHHA" saad ko.

"Bahala ka, nagugustuhan ka pa man din na ni Kayden." pagtatampo niya. Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa sinabi niya.

"Seryoso?" paguusisa ko. Bigla niya akong nginisian.

"Oo, kaya gawin mo na ang pinapagawa ko." nakangisi niyang saad, "tapos dapat nagiling-giling ganon!" aniya saka gumiling giling sa harap ko. Napairap na lamang ako.

"Pvtek seryoso ka ba!?" mapakla kong tanong. "Ganon talaga gusto nya?" 

"Oo nga, sabi nya sakin kanina," aniya at kumanta na parang kambing na umuungol, "para ganahan sya."

"Ganto ba" saad ko at iginiling ang katawan.

"Yan ganyan nga!" ngiting ngiti nyang sabi.

"Matutuwa si master haha" nakangiting sabi ni Kevin.

Siguraduhin mo lang! At talagang masasapak kita!

"Suportahan mo pagchicheer ko ha?" saad ko at sinagi siya.

"Oo naman nandito lang ako hahah" nakangiti nyang sabi sabay akbay sakin.

"Yan na magsisimula na!" saad ni Kevin nang pumunta na ang MC sa unahan saka ako inakbayan.

"Good day everyone!" panimula ng nasa itaas.

Pinakilala ng MC ang mga hukom na kinikilala sa buong bansa, maging ang mga attorney na ngayon ay nandirito din. 

Nagkawayan naman ang mga ito sa amin.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon