Chapter 29

19.2K 592 155
                                    

"This is not yet a wedding ring, but I just wanted to give this to you as a symbol of my love and a sign that you're mine," aniya.

"Nanliligaw ka pa naman diba?" paninigurado ko. Oo, gusto ko siyang asawahin pero bata pa ko para ikasal.

'This is not yet a wedding ring nga diba?'

'Wag kang Tan-gi-a Lori.'

Matamis niya akong nginitian saka tumango, matapos ay kinuha niya ang aking kanang kamay para ilagay doon ang napakagandang sing sing.

Shet! Naiihi ako sa kilig!

Nang mailagay niya na ang singsing ay saka pa lamang siya tumayo, napahawak naman ako sa aking noo, nagkunwaring nahihilo at nagtumba tumbahan sa kaniya.

Nagulat siya sa nangyari at agad niya rin naman akong sinalo at sinadya kong ipikit ang aking mga mata, "Lori!" pag aalala niya.

"I'll take you to the hospital!" hindi niya mapakaling ani ng makita ang kalagayan ko. Grabe! Hospital agad!

Malawak akong napangiti ng magtama ang mata naming dalawa, nagtataka ang kaniyang itsura, "Kinikilig ako!" tili ko. 

Doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Muli akong umayos ng tayo habang nakalagay sa dibdib ang kanang palad kung saan naroroon ang singsing.

Mariin niyang nakagat ang kaniyang pang ibabang labi para itago ang ngiti nang makita niya ang aking kahitsurahan pero nagawa ko pa rin iyong makita.

"You got me nervous," nakangiti niyang ani.

"You making me kilig, kilig na kilig" I giggled. Sandali kong kinuha ang aking phone sa bulsa saka akmang pipicturan ang aking kamay na may singsing nang biglang may fireworks mula sa langit ang lumabas na siya kong nakasama sa pagpicture.

Hindi pa naman ganon kadilim pero kita ang ganda ng mga fireworks.

Nang ibaba ko na ang phone para panoorin ang fireworks ay gumuhit ang letter I  kasunod ang heart at U na letra.

Napatakip ang aking dalawang palad sa bibig, parang gusto kong maiyak sa tuwa.

First time na mangyari 'to sakin. For the first time! Tumingin ako kay Ky na nakatingin lamang sa langit, marahan akong lumapit sa kaniya at bigla ko siyang niyakap sa leeg dahilan para matigilan siya.

Maya-maya ay unti-unti niya na rin akong niyakap, "Thank you," naiiyak kong bulong. Hindi siya umimik kundi mas humigpit lang ang yakap niya.

"May pa fireworks ka pa," pagdadrama ko.

Natawa siya sa sinabi ko, "Hindi sakin yang fireworks," natigilan ako.

H-ha?

Parang naudlot yung luha ko bigla. Kumalas ako sa pagkakayakap at seryosong tumingin sa kaniya samantalang siya ay nakangiti lamang sa akin.

"May nagpapafireworks dun oh," nakangiti niyang turo sa mga tao na di kalayuan sa amin. May magcouple doon na magkayakap at halatang masaya.

Sa sementeryo din sila nagliligawan?

Tiningnan ko ng masama si Kayden at pinaghahampas siya sa dibdib ng dahil sa aking pagkapahiya.

Shet! Nakakahiya!

Akala ko para sakin na yon! Kainis!

Tawa lang siya ng tawa habang pinapanood ako kung paano siya hampasin sa dibdib hanggang sa bigla niya na akong niyakap ng mahigpit, "Next time, I will do more than that," bulong niya na wari ko ay nakangiti kahit di ko siya kita.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon