Chapter 37

18.3K 647 218
                                    

Lorelei POV

"Lorelei apo, bakit ka umiiyak?" tanong ni Lola. Agad kong napunasan ang aking luha saka tumayo mula sa pagkakaupo.

"Wala po la," nagpilit ako ng ngiti sa kaniya.

"Punta lang po ako kay kuya," paalam ko saka umalis ng garden.

Hindi ko nadatnan si kuya sa kusina. Nasaan kaya siya?

"Ma!" tawag ko ng makita ko siya, papalabas siya ng bahay.

Taka niya akong tiningnan, "nakita mo si kuya?" tanong ko.

"Nakahiga sa kwarto mo, tapos may kausap sa cellphone, bakit?" sagot ni mama.

"Ah sige po ma," ani ko saka nagtatakbo papunta sa second floor.

Nakabukas ang pinto ng aking kwarto.

Nandito nga si kuya, nakadapa siya sa kama ko at mayroon itong kavideo call.

Agad niyang ibinaba ang call ng maramdaman niya ang presensya ko, humarap siya sa akin, "Lori."

"Binuksan pala ulit ni Kayden ang naging kaso ko," mahinahon kong pagpaparinig. Natigilan si kuya.

Umupo siya kaagad, lumapit naman ako at naupo sa tabi niya.

"Paano mo nalaman?" mahina niyang tanong.

"Sinabi ni Clarisse," sagot ko at marahan siyang tumango. "Bakit di mo sinabi sakin kuya?"

"Dahil hindi mo na kailangang malaman pa," malamig niyang sagot saka tumayo. Napatayo rin ako at hinawakan siya sa braso ng akmang lalabas na siya ng kwarto.

"Kailangan kong malaman yon kuya, kaso ko yon," reklamo ko.

"Lori, matagal na yon."

"Kahit na kuya!" pakikipagtalo ko.

"Para ano Lori? Para balikan mo ulit siya?! Wala namang nag utos sa kaniya na buksan niya ulit yon!" mapaklang saad ni kuya. Parang muling sinaksak ang dibdib ko.

"P-pero kuya," naiiyak kong saad.

"Maraming lalaki sa mundo Lori!" matigas niyang saad.

Pero siya ang gusto ko, kahit marami pang mas higit sa kaniya sa mundong 'to.

"Kuya!" sigaw ko.

"Sinasabi ko sayo Lori, tigilan mo na yang si Kayden." malamig at mariing saad ni kuya bago ako talikuran.

Napaupo akong muli sa malambot na kama. Nasasaktan pa din ako, kumikirot pa din ang dibdib ko. Naiinis ako kay Kuya!

Pinilit kong huwag maiyak, huminga ako ng malalim habang nakatingin sa taas, matapos ay muli kong kinuha ang aking cellphone.

Binuksan ko ang facebook at sinearch ko ulit ang kaniyang pangalan.

'Kayden Lopez'

Kating kati na akong pindutin ang add friend button hanggang sa makapag send nga ako ng friend request sa kaniya ngunit agad ko ring ikinansel.

Ipinikit ko ang aking mga mata ng muli kong maalala ang aking graduation noon as BSA.

Nag iispeech ako sa stage, pero may lalaki akong natanaw mula sa pinakadulo ng hall. Pakiramdam ko ay siya talaga ang nakita ko. Si Kayden

Pero bigla na lang nawala yung lalaki. Siguro namalik mata lang talaga ako.

Muli akong nagbaba ng tingin sa aking phone ng may marinig akong notification. Literal na nanlaki ang aking mga mata ng dahil sa gulat. Bumilis bigla ang tibok ng aking dibdib. Nanlamig ang aking mga kamay at may kung ano akong naramdaman sa aking tiyan.

I Love Law/you (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon