MISSION 28 (EDITED)

73 1 0
                                    

MISSION 28:


















•••
•••












Lahat sila ay nasa akin nakatingin. At nang may tiningnan sila sa gilid, sinundan ko din ito ng tingin.

May nakita akong nakatayo na hindi pamilyar na lalaki. Kaharap niya ang isang Darren Jay ScheZinger. At kung titingnan sa mga mukha nila, sa galos at dugo na nakita ko, mukhang galing sila sa Isang away.

Napangisi ako ng palihim.

Hindi ko man kilala ang lalaking bagong salta dito, pero may nakikita ako sa reaction niya. Pinaghalong gulat, lungkot at sakit ang mayroon sa expression ng mukha niya.

Katahimikan lang ang namayani sa buong classroom, binalewala ko iyon at pumasok na lamang. Nagtungo ako sa kinauupuan ko, Isa-isa ko lang silang dinaanan. Sumunod din naman si Aphrodite. Hindi ko din nilingon ang lalakeng alam kong sinusundan din ako ng tingin.

Pero... may biglang pumasok sa isip ko.

Hindi ko man kilala ang taong bagong salta at hindi familiar ang mukha, pero sa tingin ko, may kahawig siya.

Siya siguro ang kapatid ni Darren, si Darelle Jayson ScheZinger. Oo, ang kapatid ni Darren Jay ScheZinger. Nagbalik na. Kung kahapon si Krissy Mae Puertovilla. Ngayon, siya naman.

Tahimik pa'rin ang mga kaklase ko. Hindi ko man sila tingnan ay alam kong iisa ang nasa isip nila ngayon.

Tss!

Kasabay ng pag-upo ko, biglang pumasok si Teacher Morena. Sa pagpasok niya ay doon pa lang sila bumalik sa realidad.

Himala at nagpakita na ang isang 'to.

Lumawak ang ngiti niya ng makita ang dalawa. "Welcome back here in Class E, Krissy and Darelle!" pagbati niya.

Ngunit hindi siya pinansin ng dalawa.

Nagtaka siya sa inaasta nito. Ngunit mas nagtaka siya sa katahimikan na namayani dito. Nang dumako ang tingin niya sa'kin, bigla na lang siyang tumawa. Kaya boses niya na ang tanging maririnig ngayon.

Pinapahiwatig sa bawat halakhak niya na natutuwa siya sa nakikita niya ngayon, para bang may naalala siya noon na nangyari ulit ngayon.
 
"History repeats by itself hah?" tumawa nanaman siya.

Ngunit Hindi pa'rin naman nawawala ang palihim na ngisi sa aking labi. 'Sa totoo lang, Teacher Morena. History didn't repeat by itself. I made it repeat, by myself.' Tse!

Sa buong oras ay si Teacher Morena lang ang nasa harapan namin, at may himalang nangyari dahil nag check ito ng attendance. Mabuti na lang at tuwing tinatawag sila ay sumasagot din naman ng 'Present' ang iba. First time 'tong nangyari na nag attendance siya, at ito ang pangalawang beses na hindi gumagawa ng milagro ang buong Class E.

Tss! Siguro ngayon lang dahil kakabalik pa lang nina Krissy Mae Puertovilla at Darelle Jayson ScheZinger.

At dahil dumagdag sila, 32 na kaming lahat dito. 16 Girls and 16 Boys na. Pero hindi ako sigurado kung officials students ba sila. Sa tingin ko kasi may ibang pakay si Krissy Mae Puertovilla dito sa Class E. At ganun din si Darelle Jayson ScheZinger. Iba ang pakay nila.

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now