MISSION 40:
•••
•••"Welcome to the secret underground basement, Intruder." Isang sarkastikong boses ang narinig ko.
Madilim ang paligid, ang tanging liwanag lang na mayroon sa lugar ngayon ay ang maliit na bombilya sa gitna. Pero sapat na ang liwanag na iyon para makita ang iba. Matalas ang paningin ko sa madilim, kaya hindi ako mahihirapan ngayon.
"I didn't expect them to have a savior."Tiningnan ko ang babaeng iyon. Nakatayo siya sa labas ng liwanag, sinadya niyang magtago sa dilim at hindi magpakita sa Ilaw. Pero kahit na magtago pa man siya sa dilim, makikilala ko pa'rin naman siya. Sa boses niya pa lang, nakakasakal na. Tss!
"Pretending to be a Hero hah?"Napangisi ako. 'Its better, than pretending to be an innocent...'
"Hindi ako nagpapanggap. Nandito lang ako para kunin si Dite." wika ko.
Kagaya niya, ay nasa madilim din ako parte. Pero, Isang hakbang lang naman ay maaapakan ko na ang liwanag.
"Gagalaw na ba ako?" rinig ko ang boses ni Demeter sa kabilang linya.
"It's your turn while she's still in the dark." boses ni Athena.
Nakita ko ang pagpasok ni Demeter, kanina pa siya nakapasok dito, kaya hindi ko alam kung saan siya nagtago. Nang marinig nga ang sinabi ni Athena, ay ginawa niya na ang dapat niyang gawin. Siniguro niya na walang makakita sa kan'ya, suot ang blue hood ng hoodie niya, mabilis siyang gumalaw para makalapit sa babaeng iyon at kunin ang pakay namin. Ginawa niya iyon gamit ang segundo lang.
Sa sobrang bilis nga ng galaw niya, nakuha niya na kaagad ang pakay niya. Ngunit parang may napansin na kakaiba ang maarteng babae na iyon kaya napalingon ito sa kaniyang likuran, kaso huli na nga siya.
Nasa likuran ko na si Demeter.
"Who are you?" ang tanong niya kaagad.
"Good reflexes hah. She felt your presence Demeter." boses ni Athena.
"I'm asking you, who are you?!"
"Hindi ako naparito para magpakilala. Nandito lang ako para kunin ang pakay ko, si Dite." walang gana kong wika sa kan'ya.
"Dite? Dite Hurt? Ow, you mean Her?" Napatingin siya sa kaniyang likuran, kaya sinundan ko ito ng tingin.
Nakita ko doon si Aphrodite. Kahit medyo madilim ay nakikita ko pa'rin siya. Naka-upo sa isang upuan na gawa sa kahoy. Nakatali ang parehong kamay at paa nito. May packing-tape ang bibig.
"You know, she's so stupid. Why did she go there? Napagkamalan pa tuloy namin na 'siya'. Hindi pa naman siya ang pakay namin. Tch!"
Alam ko ang ibigsabihin ng sinabi niya. Ako ang tinutukoy niyang 'Siya', at dahil si Aphrodite ang nandoon, at madilim pa, kaya siya ang napagkamalan na ako. Ngunit parte na iyon ng plano ng kapatid ko. Sinadya niya iyon. Dahil alam niya na ako ang susunod.
P*ny*t* lang!
"Kung hindi naman pala siya ang pakay mo, bakit itinali mo pa s'ya?" tanong ko. "Kung pinatakas mo na lang kaya?"
"And why should I let her go? If she is also the next one I get, after I get the other one? But unfortunately, my plan to get that woman was ruined. Isusunod ko na lang. Maybe, tomorrow?"
"Umayos kang babae ka! Subukan mo lang talaga siyang kunin!" rinig kong sigaw ni Jasmine.
"Shhh! Shut up Girl!" Binalingan niya ulit ako ng tingin. "And by the way, she heard everything. So if I let her go, she will tell that girl that she is my next target."
YOU ARE READING
MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓
Action[ COMPLETED ] (UNDER EDITING) TITLE: May Moon Mission Class E GENRE: Mystery and Action AUTHOR: @AliceInRedribbon SYNOPSIS; Eighteen-year-old "Artemis Diana Montello Montes" is given a daunting mission by her father, the former member of the Elite...