MISSION 42 (NEW)

17 1 0
                                    



MISSION 42:










•••
•••













Namatay ang Ilaw. Pero nang bumalik na ang liwanag, nagulat na lamang siya sa susunod na nangyari.

May Isang babae na nakatayo sa harapan niya at mabilis na sinaksak siya sa tiyan gamit ang hawak nitong kutsilyo. Hindi niya nailagan ang bagay na iyon dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Namalayan niya na lang na bumagsak na siya sa sahig ng classroom nila.

"It's your fault Mary..."

Maririnig sa boses na iyon ang panginginig, ngunit may galit.

Hindi pa na-kontento ang babaeng iyon, sinaksak niya pa ng pa ulit-ulit si Mary Faith Del Monte.

"STOP IT!!!" Isang sigaw ang umalingaw-ngaw sa buong underground basement.

Hindi ko siya pinag-tuunan ng pansin. Dahil ang paningin ko ay nananatiling nakatingin sa TV, pinapanood ang susunod na mangyayari.

Paulit-ulit na pinagsasaksak ng babae si Mary Faith Del Monte. At nang na-kontento na siya, tumalikod na siya at iniwan na lang siyang nakahandusay sa sahig, duguan at malapit nang mawalan ng hininga.

Ang hindi niya napansin nito, ay bago pa man siya mawalan ng malay, ay buong lakas niyang kinuha ang ballpen niya na nasa sahig din, at may isinulat sa Isa sa page ng notebook niya na matatagpuan sa likuran nanda, may isinulat siyang pangalan

'K... M... P'

At ginamit niya na ang huling lakas niya, para itulak ang Diary niya, papunta sa Ilalim ng cabinet.

Matapos ang pangyayaring iyon, tuluyan na nga siyang nawalan ng malay.

No, sabihin na lang na'tin, na nawalan na siya ng hininga.

Patay na siya sa mga oras na iyon.

Umalis ang pumatay sa kan'ya. 30 minutes ang lumipas bago nakabalik sa classroom, pero may mga kasama na. At 'yun ay Sila, ang buong Class E Students. Nagulat ang lahat sa nakita, lalo na si Darren Jay ScheZinger. Pero ang babaeng pumatay sa kan'ya? Nag-kunwari lang na parang siya ang nakakita sa walang buhay na katawan nito.

Hindi nila pinaalam sa publiko ang incidente. Ang principal at sila lang ang nakakaalam sa nangyari. Itinago nila ang buong pangyayari. Pinalabas nila na nag bakasyon lang si Mary Faith Del Monte.

Habang ang babaeng pumatay sa kan'ya, ay kampante lang gumagala, parang walang nangyari sa nakaraan niya, parang wala lang siyang ginawa noon. Sinira niya ang pangalan niya, sinira niya lahat ng pangarap ni Mary Faith Del Monte! Siya ang totoong dahilan kung bakit nagkaganito ang buong Class E! Kasalanan niya lahat!

Ngayon, alam na ng lahat, patay ka ngayon sa Kuya niya...

'K M P'

"Krissy Mae Puertovilla, Inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Mary Faith Del Monte." rinig kong wika ni Demeter.

Yes, it's her. Ang babaeng kausap ko simula kanina ay walang iba kundi si Krissy Mae Puertovilla. Siya ang dahilan ng lahat. Kasalanan niya lahat. Siya ang nagsimula ng gulong ito, hindi si Mary Faith Del Monte.

K.M.P stands for 'Krissy Mae Puertovilla', dahil sa sobrang hirap na para maisulat ang buong pangalan niya, first letter na lang ng first name, second and last name ang isinulat niya.

Natapos ang Video na pinapanood namin. Ngayon ay nakaluhod na sa sahig ang taong pumatay kay Mary Faith Del Monte. Nakayuko at nanginginig na sa takot. Kaso, bigla-bigla na lang s'yang napatawa. Itinaas ang kaliwang daliri, senyales para may lumabas nanaman na armadong lalaki at sabay-sabay na ikinasa ang mga baril.

Kaso, may biglang pumasok. "Shoot her, or I will shoot your d*mn head first!" boses ni Hera.

Nilingon ko siya sa likuran ko, nakita ko siya sa likuran ng mga armadong lalaki, nakatutok ang kan'yang baril sa kanila. Kaya, hindi na nila ipuputok ang kanilang mga baril, dahil bantay sarado sila ngayon kay Hera. Tss!

"Ngayong napatunayan na namin na ikaw talaga ang pumatay kay Mary Faith Del Monte, magsisinungaling ka pa ba?" tanong ko kay Krissy Mae Puertovilla.

Nagulat ako ng konti nang bigla niya akong Inatake. Akala ko kung ano na ang gagawin niya, pero tinanggal niya lang pala ang hood sa mukha ko. Kaya ngayon, tumambad na sa kanila ang kabuo-an ng mukha ko.

"W-who are y-you? I-I don't k-know you, s-so paano mo a-alam ang mga 't-to?" Humihikbi niyang tanong sa akin. "W-we, have never met before. So how do you know everything?!"

Kumunot ang noo ko. Talaga bang hindi niya ako nakilala ngayon? Sa bagay, hindi ko nga pala suot ang reading-glassess ko, at hindi 'rin nakatali ang buhok ko. Kaya, para makilala niya na ako, kinuha ko ang glasses ko sa bulsa ng hoodie ko at isinuot ko iyon, sabay itinali ko paitaas ang mahaba kong buhok.

"Ngayon, kilala mo na ba ako, Krissy Mae Puertovilla?"

Napaluhod siya sa sahig nang tuluyan niya na nga akong nakilala.  "M-may Moon..."

Napangiti ako ng tipid sa sinabi niya.

Napatunayan ko na, kamukha lang pala kami, konti, ni Mary Faith Del Monte kapag naka suot ako ng reading-glassess at naka ponytail ang pagkakatali ng buhok. Pero kapag hindi, hindi naman pala. Ewan ko na lang sa iba. Tss!

Iniwan ko si Krissy Mae Puertovilla na nakaluhod pa'rin sa sahig. Lumapit ako sa kulungan na kung saan nakakulong ang Class E Students. Gamit ang susi na ibinigay kanina ni Demeter na kinuha niya mula kay Krissy, ay ginamit ko iyon para pagbuksan sila.

Nang mabuksan ko na, ay sa kabila nanaman ang binuksan ko, na kung saan nandoon naman ang mga Mysterious persons.

Hindi ko sila nagawang titigan Isa-isa. Naiilangan ako sa mga tingin nila ngayon. Sa paraan ng mga titig nila sa akin, nasisiguro ko na, hindi ko pa masasagot 'yan sa ngayon.

Pero, may tinitigan ako na Isa. Sa lahat ng nandito, siya kaagad ang nakita ko. Sino ba namang hindi makakapansin? Eh umabot hanggang sa p'westo ko ang galit na nararamdaman niya ngayon.

May galit sa mga mata siyang nakatingin sa gawi ni Krissy Mae Puertovilla'.

Diego Samuel Lakson...

Or also know as, Diego Samuel Lakson Del Monte...

Mary Faith Del Monte's Brother.

























TO BE CONTINUED .....























MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now