MISSION 38 (NEW)

19 1 0
                                    


MISSION 38:













•••
•••














Then nung Sunday, sina Benmar Denncco, Merrie Sanchez, Jacob James Ventura, Sophia Secont and Ustine Andrey Rohan

Noong Isang araw, Tuesday. Magkakaparehong apilyedo. Subaru Reo, Batterly Reo, Maverick James Revilla, Carlo Revilla and Ericka Yu Kein.

At ang mga nawala ngayon lang, Darren Jay ScheZinger, Diego Samuel Lakson, Sheena Claire Morales, Jasmine Custine and Charline.

Umupo muna kami dito sa Classroom ni Aphrodite. Nag-iisip kami kung saan kami magsimula, at may inaantay na'rin.

Una, ay unti-unting nawawala ang mga Class E Students, kapag may nawala ngayon, pagkabukas ay wala, pero pagkabukas nanaman ay may mawawala nanaman. Bawat studyante na nawawala sa class E, ay lima-lima. Second, kahit si Athena ay walang makita kung ano ang dahilan ng ito. Bakit sila nawawala na lang bigla? Nawala ba talaga sila? Or may kumuha sa kanila? Then third, anong meron ngayon?

Mabilis lumipas ang oras, nakikita ko na ngayon sa labas ng bintana ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. Patunay na malapit nang gumabi.

Biglang bumukas ang nakasaradong pintuan ng classroom, kaya napalingon kami doon. Pumasok ang Isang Darelle Jayson ScheZinger na naka suot na kulay Itim na hoodie. Nang mapansin kami ay lumapit ito sa kinaroroonan namin.

"Upo ka po Kuya Darelle Jayson." Binigyan siya ni Aphrodite ng Isang upuan, at pina-upo sa harapan namin.

"Thank you Dite."

Nang maka-upo na siya ay tinanong ko kaagad siya. "Wala kang kasama?"

"Wala." direts'yong sagot naman nito.

Tinitigan ko siya, sinabayan niya naman ang mga titig ko. "Si Krissy Mae Puertovilla pala?" Gusto ko lang makita kung nagsasabi ba siya ng totoo. Tss!

"About her? I haven't seen her. She disappeared from my sight for a long time."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Kailan lang?"

"Since the day your classmates disappeared."

"Bakit hindi mo ito sinasabi sa amin nung Isang araw?"

"Hindi niyo naman ako tinanong."

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Kailangan pa bang tanungin ka, para sumagot ka?"

"Yes."

Hindi ako nag-iwas ng tingin. "Then, nasaan ka nung araw na unang nawala ang mga kaklase ko?"

Hindi siya umiwas ng tingin, pero nakita ko ang paggalaw ng eyeball niya. Tumingin sa left eye side ko, then sa right eye side.

"I'm in my dorm."

"Anong ginagawa?"

"Naliligo."

Sumingkit ang mga mata ko. Noong unang araw na nawala ang Lima sa amin, Monday, ay wala siya sa unang period. Pero pumasok naman siya, late nga lang.

"Kaya ka late?"

Kapag ang sagot mo ay 'Yes', Isa lang ang ibigsabihin nun...

"Yes."

Nagsisinungaling ka Darelle Jayson ScheZinger... Tss!

"Okay." ang tanging naisagot ko na lang.

Hindi ko na pinatagal pa ang oras. Nagdesisiyon na akong tumayo at sabihan si Aphrodite na samahan ako sa likod ng building ng Class E. Kahit nagdududa Ako, inaya ko pa'rin si Darelle Jayson ScheZinger na sumama, kaso mas pinili niya na lang na maiwan sa classroom. Hindi ko na siya pinilit pa, desis'yon niya eh, ayoko nang makialam pa.

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now