MISSION 35 (NEW)

18 1 0
                                    





MISSION 35:















•••
•••

















"She is the challenges, and we are the test. She challenge us to take the dare, then we took the test with three hundred to bear. The answer to her riddle is, the 300 items test. Kung e-re-relate na'tin siya sa anong meron ngayon, ibigsabihin tinutukoy niya na 300 items lang ang sasagutan na'tin ngayon. Isang subject lang muna. Bukas nanaman ang iba." paliwanag ko sa kan'ya.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang may makita akong pigura ng Isang lalaki na naglalakad papunta sa gawi namin. Kakalabas lang nito sa building ng Class E.

"Haluhh! Si Darren Jay ScheZinger 'yan diba Ate A?"

Nang malapit na ang lalaking iyon sa amin, hanggang sa tuluyan na ngang nakalapit, ay dumaan lang siya sa gilid namin. Tss! Dinaanan niya lang kami. Pero, napansin ko na nagkasalubong ang mga titig namin.

Sinasabi ko na nga ba, kaya pala hindi ako kampante sa naging sagot ko kanina. Kaya pala kahit sabihin ko man na 'wala', walang sino man ang kaya'ng sumagot ng 900 items sa 10 hours, kahit sabihin ko pa 'yan ng sampung beses, ay hindi talaga maniniwala ang sarili ko.

Palihim akong napangisi nang may sumunod pang lumabas sa kan'ya. Ang Kuya niya, si Darelle Jayson ScheZinger.

Biglang umihip ang hangin. Naramdaman ko ang paghampas nito sa mukha ko. Ewan, pero parang may nagtulak sa akin na lumingon sa gilid, sa right side ko. Kaya kung ano man ang nagtulak sa akin, ay sinunod ko naman ito. Dahan-dahan akong napalingon sa gilid, at mula doon, may nakita akong nakatayo na familiar na tao, Isang lalaki. Nakatayo ito, nasa bulsa ng Itim niyang slacks ang dalawa niyang mga kamay, at nakatingin ito sa gawi ko.

Nagkasalubong ang walang emotion naming mga mata.

Kuyang Class D...

Isang lalaki, that carries an aura of mystery that captivates those who cross his path. A man of few words. With raven-black hair tousled by the wind and piercing brown eyes, na para bang gusto ka nitong ilibing ng buhay. Tss!

"Ate A..." narinig ko ang pagtawag ni Aphrodite sa akin. "Minsan ka lang nag-e-english. At kapag nagsalita ka nito, ibigsabihin sineseryoso mo ito."

Nilingon ko siya dahil sa nasabi niya. Nakangiti ang mga mata at labi nito, habang humihigop ng strawberry shake. Hindi ko na lang siya pinansin pa. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko papunta sa building namin, pero naramdaman ko naman na nakasunod lang siya sa akin.

Kanina pa ako nagsasalita ng English sa utak ko, ibigsabihin sineseryoso ko ba ang riddle na ibinigay ni Teacher Morena? The way kung paano ako naghanap ng sagot, the way kung paano ko ito pinag-isipan, at kung paano na ako humingi ng tulong kay Athena. Talagang desidido akong ipasa ang exam na ito. Tss!

Nang makarating na kami sa classroom, lahat ay napalingon sa gawi namin, ngunit saglit lang dahil ibinalik na kaagad nila ang kanilang atensiyon sa test paper.

Prini-pressure lang nila ang sarili nila. Tss! 

Pagka-upo ko ay narinig ko kaagad ang pabulong na boses ni Sheena. "May, bakit kalmado lang kayo?"

"Sheena, Charline," Mahina kong sambit, sapat na silang dalawa lang ang makarinig. "Yung riddle." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtataka nilang expression sa mukha. "Isang subject lang ang sagutan niyo."

Kinuha ko na ang ballpen ko at ipinagpatuloy ko na ang pagsagot sa test paper ko. Test 3: True or False. Kanina ay sinadya ko talagang bagalan ang paglalakad ko, gusto ko sana ay isang oras ang magagamit ko, para pagbalik ko, ay apat na oras na lang ako meron. Kaso, hindi nga umabot ng Isang oras. Tss!

MM1: MAY MOON (Artemis Diana Montello Montes)✓Where stories live. Discover now